Filipino siguro ang pinaka- favorite kong course sa college. Ikaw ba naman magkaroon ng nakaka-aliw at nakakatuwang professor eh hindi mo magustuhan... Anyway, malayo na ko sa topic na ididiscuss ko.
Napag-aralan naman natin sa high school yung tindi ng meaning ng words, right? Yung simula sa pinakamababang meaning ng words hanggang sa pinakagrabe.
Kunwari:
Hinaplos
Hinawakan
Kumapit
Biniyabit...
(Basta ganyan. Iniisip ko lang din yang mga yan) So ayun. Habang nagbibigay si sir ng mga examples, sinabi niya yung pinagkaiba ng mga terms na may kinalaman sa tawa. Ito yun:
Hagikgik
- pagtawa ng walang tunog at ang balikat lang ang gumagalaw.
Halakhak
- pagtawa ng malakas.
Hagalpak
- pagtawa ng malakas na may kasamang body movements like paghampas sa lamesa o kaya sa katabi mo.
"Kaya kapag humigikgik lang ang katabi mo, 'wag mong sabihing, 'kung makahalpak naman ito.' dahil iba yun." sabi ng Professor ko.
Habang dine-define niya yung meaning ng tatlo, syempre sumagi sa isip ko kung paano ako tumawa. Kung nasaang kategorya ako. Narealize ko na nagawa ko na lahat ng form ng tawa. Pati nga ilong sumasama pa. Oo, inaamin ko, tumatawa din ang ilong ko. Yung pagtawa ko, depende sa mood nung tinatawanan ko. Depene din sa ka-tawanan ko. Haha.
Kung tatanungin ako kung paano ako tumawa ngayon, nasa hagikgik mode ako. Ang hirap kasing humagalpak at humalakhak sa classroom. Masyadong attention seeker. Ayoko naman nun. Haha. Humagalpak at humalakhak lang talaga ako kapag comfortable ako sa taong kasama kong tumawa. At isa pa, walang masyadong nagpapatawa sa akin lately kaya madalas akong stressed.
Nakakamiss din palang tumawa ng wala lang kwenta yung mga tinatawanan mo, noh? Kasi iyan lagi yung ginagawa ko nung high school pa ko-- yung tumawa sa mga maliliit na bagay na halos wala ng kwenta. Ewan ko ba, parang medyo nawala sa akin iyon ngayong college.
Ayoko nang ituloy yung mga guston kong sabihin pa. Tama na ang drama sa blog ko, umaapaw na. Gusto ko lang naman talagang i-share ang pinagkaiba ng hagikgik halakhak at hagalpak