April 19, 2012

Kapag nagkaroon ka ng isang problema parang lahat ng bagay naiisip mo.

Kanina habang iniiyakan ko yung problema ko pumasok sa isip ko yung TNP. na gustong gusto ko silang makausap, gusto ko silang makasama. Kasi sila na nga lang yung mga taong nasasabihan ko ng personal na mga bagay.

Gusto kong sabihin sa kanila yung problema ko ngayon. Kasi pagdating naman sa lahat ng kadramahan ko sila yung una kong lalapitan. Pero pano ko sasabihin? Sa facebook? Ayoko na non. Sa text? Hindi naman lahat sila may load. Gusto ko sa personal. Gusto ko yung kumpleto kami. Gusto ko may yayakap sa akin kapag umiyak ako. Gusto ko habang naiyak ako may nagpapatawa sa akin para kahit papano nababawasan yung lungkot ko. At kung sila naman yung nasa sitwaston ko ngayon gusto ko nandon ako para yakapin nila at nandoon ako para parawanin ko sila

Pero pano ko magagwa lahat ng gusto ko kung hindi kami makapagbigay ng oras sa isa't isa?

Dati buwan buwan kaming nagkikita. May mga bagay lang na nangyari kaya parang natigil iyon.

Hindi ko naman sila masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Hiwa-hiwalay na kami kaya natural lang siguro yung mga ganitibg situation. Siguro kasi masyado lang akong naging dependent sa kanila. Na sigurado ako na kapag may ganitong nangyayari nandyan sila. Pero siguro tapos na yung time na ganon. Madami na din kasing nagbago eh. Pero that doesn't mean na hindi na kami friends.

I love them. Kahit may new circle of friends na ako sila pa din sng gusto kong takbuhsn kapag may problema ako. Sila pa din yung gusto kong kwentuhan ng mga masasayang bagay na nangyayari sa buhay ko. Masyado lang talaga akong nangungulila sa company nila.