October 15, 2012

Direk

I enjoy the role of being a director...

Noong high school ako, pagiging isang direk ang naging titulo ko. Lalo na noong latter part ng high school life ko. Hindi ko pinursue ang hilig ko sa directing. Bagkus, nag-Accounting ako. Pero ang blog na ito ay hindi tungkol sa mga pangarap ko. Ito ay tungkol sa mismong pagdidirek ko ngayong college.

Ngayong college, na-assign akong magdirek ng play namin para sa Humanities. Noong tinuro ako ng mga classmates ko, syempre parang gusto ko tsaka ayaw ko rin. Kahit sino naman magkakaroon ng apprehension. Una kasi, hindi ko sila gamay Hindi ko pa alam kung paano ko iha-handle ang bawat isa sa kanila. Pangalawa, parang ayoko na talagang balikan yung mga directing days ko lalo na kung hindi ko kasama sina Pearl, Pauline at Jane. Pero what the hell, no choice na ko.

Ayon, nung mga unang araw, petiks lang, tapos medyo light pa yung approach ko sa pagdi-direct. I was still feeling my way around them. Tapos ayon, dumaan na ang mga araw at lumalapit na rin yung araw ng performance. Ako, naii-stress na kasi hindi pa kumpleto yung script, hindi pa makausad sa play, maraming ibang requirements... ayon. Mas malala pa noong araw na palapit na yung pasahan ng seatwork sa Acco, halos wala nang nakikinig sa akin. Yung tipong sumigsigaw na ako, wala pa ring nakikinig. They're just hearing what I'm saying but not listening. Well, meron naman pero syempre diba, kung konti lang yun, paano talaga ako pakikinggan. Kinukwestyon ko tuloy yung authority ko sa play na 'to.

Alam ko namang parang kwela yung dating ko sa klase. Halos lahat ng mga kaklase ko, nakakabiruan ko. Pero dahil ba sa sobrang kwela ko, pati yung paraan ng padidirek ko, kwela pa rin? Di ba pwedeng seryosohin muna ako kahit saglit lang?

Di ko tuloy mapigilang mag-compare sa mga classmate ko noong high school at mga classmate ko ngayon kahit na ayoko talagang mag-compare. Siguro kasi noong high school, hindi ko kailangang ulit-ulitin bawat details ng actions na gagawin nila. Kasi isang sabi ko lang, go na agad. Ngayon kasi feeling ko sira na akong plaka kapapaulit-ulit ng instructions, ng pagsaway, ng pagsitsit... nakakapagod lang.

Pero syempre, kahit nakakapagod, tuloy lang ang laban. May perks pa rin naman ang pagiging director. Madalas man akong ma-high blood ngayon, nagkaroon ako ng chance na makapag-interact sa mga classmates ko. Nagawa kong makilala sila ng mas mabuti. Kaya kahit maging isang malaking success, isang malaking epic failure, o keribambini lang ang play na 'to, ayos lang. Kasi may ibang bagay akong nakuha mula sa experience na 'to...