November 26, 2010

Picking Locks



Lunch time kanina. Sobrang bored na talaga ako. Sa sobran bored ko, gusto kong mag-soundtrip. Eh may CD ako... Haha. Ang ginawa ko tuloy, binuksan ko yung cabinet. Paano? Gumamit ako ng hairpin. Astig nga eh. Sobrang gusto kong i-try iyong gawin. First time ko talagang mag-pick ng lock. For about 5 minutes, binubuksan ko yung lock. Nung pa-give up na ako, biglang bumukas yung lock! I can't believe it! Nakakagulat talaga! Haha. Ang saya ko tuloy. Achievement iyon! Haha. Tuloy, nagsound-trip na nga kami. Oh, tamo, di lang ako ang sumaya, kundi buong klase na rin!

Ayan, so nag-bell na. Ibabalik ko na ang cassette player sa loob. Ang problema nahirapan nanaman akong ibalik ang pagkakalock. Halos mag-give-up nanaman ako kasi malapin nang dumating si Ms. Camu. Sabi ko sa sarili ko sa dismissal ko na lang itutuloy. Pero just as I was giving up, nakuhaha ko nanaman! Secong attempt, SUCCESSFUL!!! Pero kasi feeling ko, nabali yung pin at may naiwan na part sa loob nung lock. Kaya medyo tinignan ko pa, as in pinapasok-pasok ko pa ung pin. Eh umaakyat si Sir Naz, sabi niya "Anong ginagawa mo diyan?" Pero mukha namang nagbibiro siya. Pero kinabahan talaga ako. whew.

Pinaka-kinabahan talaga ako noong pumasok si Ms. Sermise sa room, dala ang susi. Binuksan niya yung cabinet. Nung una di niya mapasok yung susi. Akala ko, may naistuck nga. Agad-agad naisip ko ang mangyayari sa kin. DESTRUCTION OF SCHOOL PROPERTY. Patay na! Pero walang kwenta ang pakakaroon ko ng takot. Pumasok din ang susi. Nakahinga ako ng malalim...


Sabi nga ni Pareng Roana, MAY REASON SI GOD KUNG BAKIT YAN NANGYAYARI. Siguro gusto talaga ni God na maexperience ko ang naexperience ko kaninang kaba at saya. Natuwa lang talaga ako sa kalokohan ko. Kung tatanungin ako ngayon kung ano ang pinakamasamang nagawa ko sa buhay ko, itong insidente na ito ang sasabihin ko. haha...

0 comments:

Post a Comment