So ayon na nga, in-explain na ni Bea yung skit para sa Science Club. kaso may problema: di pa alam kung ang play ay kelan ipapalabas at kung sa bawat year level, mahirap un kasi di nila masususndan yung story.
Nung kinonclude na namin na di na namin itutuloy at tatambay na lang kami, ang good girl gone bad na si Pearl ay magpapasundo na sa Papa niya. Sinamahan ko siya sa labas para maghanap ng pay-phone since wala pang phone sina Pauline sa bagoi nilang bahay.
Sa unang tindahan malapit kina Pau, lumapit muna si Pearl, eh walang tindero kaya nag-"tao po" siya. Nung pagsigaw niya may tumahol na aso na nasa tapat lang niya. napatakbo tuloy siya palayo sabay sabi ng "Oh, my God!!!" Nagsisi siya sa huli kasi nagamit daw niya ang name ni God in vain.
Next na tindahan yung nasa likod nun (Promise, magkakadikit lang ang tindahan sa Veraville Drive) Buti walang aso. Wala naman pay phone. Pinapunta niya kami sa likod daw ng club house.
Naglalakad kami ni Pearl tuloy pa din sa paghahanap ng tindahan na may pay phone. Sa isang gate, napatapat kami tapos may nakita akong creature doon, medyo napa-iwas ako. Buti na lang manok lang siya. Akala ko aso uli eh. Naparanoid agad ako. Pero nung dumeretso kami, sa sususnod na gate, may aso na talaga. Napaiwas na talaga kami ni Pearl.
Third na tindahan, lumalapit pa lang si Pearl, tinahulan na kaagad. (Grabe mga tindahan, may aso lahat!) Pero buti doon, may tindero, pinapunta kami sa dulo ng Veraville drive. Doon daw may pay phone.
At last nakarating din kami sa tindahan na may pay phone! at buti na lang walang aso! Pusa nga lang, meron. At last! Nakatawag na si Pearl sa Daddy niya! At pinatanong ang address ni Pau.
Eh nakalimutan ni Pearl, kaya nagtanong siya sa akin:
"Ano ba yung address uli nina Pau? LOCK 1 BLOT 3?"
Hahahahahahahahah!!! Laughtrip eh. Pati yung tindera napatawa eh. laughtrip talaga hanggang pagbalik sa bahay nina Pau.
0 comments:
Post a Comment