February 14, 2011
Message in a Plastic Bottle
February 13, 2011....
Nasa batangas ako nitong araw na ito... Actually Feb. 12 pa lang, andun na kami. Kaso nga lang gabi na... Wala naman akong maikwento tungkol don except na nagpunta ko sa isang jambori... Di ko sure kung ganon spelling non pero ganon ung tawag don. Di ko din alam kung bakit.
Ayon... Kinabukasan, sinamahan ko si Kuya Paul na magpagupit sa bayan. Achievement yon kasi first time ko gumala sa Batangas ng wala si nanay... Kaming dalawa lang talaga ng pinsan ko. Pagdating namin sa bayan, may dalawang pagupitan, magkatapat. Para mapagdesisyunan kung saan siya magpapagupit, dinaan namin sa fair judgement: BATO-BATO-PIK.
So ayon, nakapagpagupit na si Kuya. Pagkatapos non, ayaw ko pang umuwi kasi pag-uwi ko, babalik na kami ng Las Piñas. Kaya nag-quality time muna kami ni Kuya Paul. nagpunta kami sa tabing dagat. Ang sarap ng hangin tapos an ganda ng view, kitang-kita yung Taal Volcano.
Parang wala kaming magawa ng pinsan ko kaya sinuggest ko na magmessage in a bottle. Ang problema, wala kaming materials. Una, naghanap kami ng bote. Nakakita kami ng bote ng gin tsaka plastic bottle. Nag-alangan kami sa bote ng gin kasi baka di lumutang. Nung tinapon namin un sa dagat, lumutang!!! haha. Sana pala yun na lang ginamit namin... Oh well, that leaves us with the plastic bottle.
Next, paper. Since malapit naman yung dagat sa palengke, sabi ko manghingi na lang kami ng papel sa mga tindera. So pumasok kami ng palengke. Doon, nakakita si Kuya paul ng classmate niya. Doon siya humigi ng papel.
Last problem: Ballpen. Paikot-ikot kami sa palengke hanggang makakita kami ng lottohan. May ballpen dun sa labas ng booth, tsamba!!! Edi sulat naman ako... Nagmukha pa kong tumataya ng Lotto don...
Ayon, edi hinagis na namin ung bote. Sobrang lakas ng hangin tapos ang bano pa ng pagkakatapon ni Kuya kaya di lumunsad yung bote. Bumaba pa tuloy siya sa tubig para ihagis uli... haha...
Hanggang pag-uwi namin sa bahay namin sa Batangas yung bote pa din pinag-uusapan namin ni Kuya. Namimiss ko din yung ganong bonding time namin ng pinsan ko. Yung kulitan namin tsaka mga kalokohan... Haha... Kaya nga ayoko nang bumalik ng Maynila eh... Wahaha... Di naman. Yun lang, the end...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment