August 25, 2011

I am Afraid

You say that you love rain,
but you open your umbrella when it rains...
You say that you love the sun,
but you find a shadow spot when the sun shines...
You say that you love the wind,
But you close your windows when wind blows...
This is why I am afraid;
You say that you love me too...

-------------

I love the message of this poem that's why I posted this. When I saw it on the internet, I just can't wait to share it to you guys. It was said that it's by Shakespeare but I'd like to disagree because it's not in Shakespearean language, you know, the deep, nose-bleeding words he uses in his plays? Anyway, it's from an unknown person, so whoever you are, you rock!

August 21, 2011

Hotdog Sandwich

Kahapon pagkauwi ko galing school, naghihintay ako sa tatay ko sa 7- eleven. Tapos nung dumating na siya, sabi niya walang pagkain sa bahay. Kaya naman sa 7-eleven na ako kumain.

Syempre, kinain ko don yung lagi kong kinakain: HOTDOG SANDWICH. Edi nakuha ko na yung tong, tapos may plastic na ko sa kaliwang kamay ko. Tapos may bun na, yun na nga yung last eh. Nung kukunin ko na yung hotdog, nalaglag siya sa sahig. Hindi kasi talaga ako magaling humawak ng tong. Lalo na yung malaki. Nakita ni tatay tapos natawa siya. Kasi pinulot ko yung hotdog sa sahig tapos binalik ko siya sa loob. Ako naman, kabado bente. kasi baka may nakakita sa kin. Tingin ako, kaliwa, kanan, parang wala namang nakakita ng nalaglag na hotdog. Edi kumuha na ko ng bago. Buti hindi nalaglag.

Kinakabahan pa din ako nung time na to. Mas tumaas ang kaba ko nung nakita ko yung security camera sa taas. Sabi ko sa sarili ko, Hala, baka nahuli ako. Nakakakaba talaga yung mga security camera. Naisip ko tuloy pano pagbalik ko ng 7-eleven mamukaan nila ako? Hanggang pagbayad ko ng hotdog sandwich, kinakabahan talaga ako. Pero buti na lang, safe ang lahat.

Ewan ko lang, kung sure na. KAso baka mamaya pagbalik ko don, hulihin ako. Haha.

August 15, 2011

Angels' Blood


So, ako nanaman yung nahu-hook sa libro. Pagkatapos ng Twilight, Hush Hush, Fallen, Feather na series, dito naman ako sa series na ito naglibang. Unfortunately, hindi pa siya complete kaya medyo bitin pa ang pagbabasa ko. Ito ang pagkakasunod-sunod nila:

Angel's Blood
Archangel's Kiss
Archangel's Consort


Angel's Blood is the first book in the series. It's about a vampire hunter, Elena, who worked for the Archangel of New York, Raphael, to hunt down an archangel gone rogue.

Unfortunately, yan lang ang synopsis na ibibigay ko sa inyo... Haha. Basahiin niyo na lang kung naiintriga kayo. Pero maganda siya.

And as usual, pinakagusto ko yung first book. (Lagi naman eh) Yung second book kasi habang binabasa ko, parang walang masyadong nangyari.

Kakaiba itong libro kasi usually ang nababasa kong book ay tungkol sa vampires alone, or fallen angels. Dito ang hierarchy ay ganito:

Archangels-Angels-Vampires-Human

Minsan lang ako makabasa ng book na as in angels talaga yung character. Nakasanayan na kasi na fallen angels lang. Tsaka minsan lang din yung may angel tsaka vampire. Kasi nga sa story na ito, yung mga angels ang gumagawa ng vampires. Basta, ang hirap magkwento kapag ayaw kong maging spoiler eh! Haha. Basahin niyo na lang kaya ko nga ini-endorse yung libro diba!?!

Pero beware of sexual content kasi meron siya. Eh, sakin okay lang kasi nabuksan na yung isip ko since nung nabasa ko yung Eleven Minutes ni Paulo Coelho eh. Haha. Ayon lang.

Basahin niyo yung libro ah!

August 14, 2011

Kundiman

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako’y nalulungkot


Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala


Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

<----------------------------------------------------------------->

Grabe, naaadik ako sa kantang ito by Silent Sanctuary. Kelan ko lang siya nadiscover nung nagperform sila sa school. Yung mga tao, nag-ch-chant sila, "Kundiman! Kundiman! Kundiman!" Eh ako naman di ko alam yung kanta. Nung kinakanta na siya ako, parang wala lang tapos yung iba, sing-a-long na. Tapos nung isang araw, sinearch ko siya sa Youtube. Tapos paulit-ulit ko na siyang pinakinggan. Hanggang sa naadik na ko. Ayon. Haha


Minsan naiilang akong magpost sa Facebook ng status kasi friends kami ng mga kamag-anak ko eh.

Happy moments naman daw


Oo, yung mga previous blog entries ko, panay kadramahan. Di ko lang talaga maiwasan na mamiss yung mga friends ko lalo na itong isang ito na nagcomment na panay kadramahan yung posts ko. (Inna, parang di ka pa nasanay sa drama ko. LOL)

Eh, ngayon, syempre nakonsensy naman ako kasi sa mga nakabasa ng mga blog posts ko noon, siguro ganito din yung napansin nila. Kaya naman nagdecide ako na magpost naman ng happy moments. Tapos naisip ko, sa sobrang dami, hindi ko na masyadong maalala lahat, lalo pa't sobrang makakalimutin ako.

Isa pa, parang yung mga masayang moments ko ay nai-post ko na dito sa blog ko. Ito yung ilan oh: Under sa title na Memories.

Sa ngayon wala akong gaanong HAPPY MOMENTS. Oo, may friends na ko sa PUP. Oo, nakakapagbiruan na kami. Pero iba pa din yung moments na kasama ko ang TNP. Iba yung saya na nararamdaman ko kapag kasama sila sa saya na nararamdaman ko pag kasama ko yung iba. Talagang masasabi ko na lahat ng happy moments ko sa buhay ko kasama ko sila.

Ayoko nang dagdagan itong post na to! Nagdadrama nanaman ako eh!