Kanina, nasa bahay namin si Pearl. Tapos nag-usap kami about things. Tapos basta habang nakikinig ako sa kanya, bigla kong na-realize na ang dami na palang nangyaring moments sa kwarto ko. May mga secrets-sharing moments, iyakan moments, tawanan moments, UDA (script-writers) moments, jamming sessions, sleep-over and what-nots. Karugtong ng realization na 'yon eh yung masayang feeling na narealize ko na sa mga bagay na nabanggit ko kanina, TNP ang lagi kong kasama.
Sa maliit kong kwarto ko, nadala ko yung friends ko at nakita nila kung ano talaga ako. Sa ayos pa lang ng kwarto ko, which is magulo, kitang-kita mo na yung personality ko. And I'm happy na lahat sila nadala ko doon. Kaya ayokong mawala yung kwarto ko eh. It's part of who I am. Nandoon halos lahat ng mga importanteng bagay sa akin. Alam ko bawat crack sa kisame, bawat alikabok sa gilid-gilid, bawat umbok sa kama, at bawat papel sa singit-singit. Haha. Akala mo kung ano yung pinag-uusapan eh.
Ayon, ngayon ko lang nabigyan ng appreciation yung kwarto ko after halos 7 years kong pag-stay doon.
1 comments:
like:)
Post a Comment