Kay Mari ko lang talaga ikukwento 'to pero sige na, sa inyo na rin. Pero para kay Mari talaga 'to. Haha.
So, 3rd year ko nang pumunta sa Manila International Book Fair...
Okay lang, ganoon pa rin, walang pinagbago. Maraming tao, maraming libro, mahaba pila, nakaka-claustrophobic. Pero kahit ilang taon na kong napunta sa masikip at nakaka-suffocate na BF, hindi ko pa rin ito tinatantanan. Ewan ko ba kung bakit hindi ako madala.
Madami akong gustong bilihin, syempre pero dahil kapos ang budget ko on such short notice, tatlo lang (sadly) ang binili ko.
Paper Towns by John Green
An Abundance of Katherines by John Green
Something About You by Julie James
Binili ko yung unang dalawa kasi-- well Si JOHN GREEN 'yan eh. Gusto ko nga ring bilihin yung Looking for Alaska kaso nga lang nabasa ko na siya kaya napagpasyahan kong ipagpaliban ko muna. Gusto ko ring bilhin yung The Fault In Our Stars kaso lang hard bound pa siya. Mas gusto ko kasi talaga ang paper back kasi mas nadadalian akong magbasa sa paperback. Tsaka kung ano mang verdict sa dalawang librong ito, I'll let you know kapag nabasa ko na. Mehehehe...
Yung Something About You, nabasa ko na siya dati at grabe, gustong gusto ko talaga yung story nito. Feeling ko destiny talaga na makita ko 'to sa Fully Booked kasi yung mga books ni Julie James, hinanap ko dati, wala sa Philippine market. Tapos biglang, VIOLA! May Something About You! Haha. Ayon, kaya binili ko na kahit na nabasa ko na.
Gusto ko ring bumili ng Divergent at Insurgent pero saka na kapag lumabas na yung 3rd book at may set na siya. MWAHAHAHAHA!
Ang tagal kong inikot yung shelves para sa The Princess Bride kaso wala akong makita kaya sa NBS sa Southmall na lang ako bibili. Basta, ang dami ko pang gustong bilihin kaso parang nanghihinayang na ako sa iba. Madami pa akong naka-line up na nabili ko sa Book Sale nitong nakaraan linggo. Look:
Pero sa pito, nabasa ko na yung The Five People You Meet in Heaven tsaka Love, Rosie. Dati pa. Kaya ko binili kasi dapat hindi natin pinapalampas ang mga librong nasa Book Sale dahil kapag binalikan mo pa yan kinabukasan, wala na 'yan diyan.
Ayon, bumalik tayo sa BF. Alam niyo ba kung anong pinaka-ayaw ko sa BF? Kahit saan ako lumingon, panay Fifty Shades of Grey. At walangjo! Ang daming nabili. Sheeeeet! Pure TORTURE! (no pun intended.) Alam niyo naman kung anong pakiramdam ko sa Fifty Shades diba? At eto pa, MERONG FIFTY SHADES OF MR. DARCY. What. The. Hell. Sinisira niyo ang reputasyon ng P&P. Ang reputasyon ni Mr. Darcy, ni Elizabeth. Ugh. I know, I know. Hindi ko pa alam kung anong story ng fifty shades of mr. darcy but come on! Panigurado naghuhuramentado na si Jane Austen sa hukay niya sa mga pinaggagagawa niyo sa masterpiece niya.
Ano pa ba? Ayon, nandon nanaman si Pol Medina (Pugad Baboy) katulad last year. Tapos may foreign authors pero di ko sila kilala. Haha.
Ayon, next year uli. Sana makasama kita, Mari. ;D
1 comments:
Ah, you were there, too. Kapansin-pansin na hindi gaanong marami ang tao na pumunta this year kumpara noon mga nakaraang tao. I know you can compare that because this is already your 3rd MIBF. Siguro dahil sa weather. Saturday and Sunday ang lakas ng ulan :(
Post a Comment