July 27, 2010

Reymar the Paranormal Expert

Kaninang Physics time, wala kaming ginwawa kasi may ine-expect kaming magseseminar. Ewan ko kung para saan pero mag-seseminar sila. Kaya parang naging free time ang Physics namin kanina. Wala naman nga kaming ginawa kaya ako, si Pearl at si Reymar ay nagkwentuhan na lang. Pagod na kasi siguro kami sa mga problema ni Kuya (Reymar) sa pag-ibig kaya nagkwentuhan na lang kami ng katatakutan. Si Kuya ang nagkwento.

Noong grade 6 daw siya ay nakaexperience siya ng paranormal sightings. Nasa bahay siya mag-isa, specifically sa kwarto, nakikinig ng music sa radyo. Tapos, biglang umikot-ikot daw yung radyo(Di ko magets kung paano nangyari iyon. Basta, umikot-ikot iyon.) Tapos bigla daw sumara ang pinto ng kwarto at 'yung kurtina ay hinahangin-hangin. Tapos, tumingin siya sa kisame at may ulo ng babaeng nakalutang. Hindi niya daw nakita 'yung mukha kasi ang buhok nung multo ay nasa mukha niyang lahat. Ang description pa niya sa hair-style ng multo ay "pang-emo". Grabe, ang swerte siguro ng taong makaka-encounter ng emo na multo.

Pagkatapos ng story niya, nagbigay pa siya ng tips kung mapupunta ka sa sitwasyon na iyon:
1. Huwag magpapanic kasi daw mashahabulin ka pag gano'n. Calm down.
2. Ang paranormal activity daw ay nangyayari between 3 pm- 3 am. Sosyal ang multo, may schedule.
3. Huwag makikipag-eye-contact. Mas ma-aatach ka sa kanila pag ganon.


Kuya: oy, may sasabihin ako sa inyo pero huwag kayong matatawa ah.
Ako at Pearl: Okay.
Kuya: Ang multo daw ay lumalabas sa toilet bowl.
Ako at Pearl: (nagtinginan sabay tawa.)


Wahaha! Sorry, Kuya. Di namin mapigil ang sinabi mo. Samahan pa ng facial expression mo noon!

The Search for Mr. Carlo Allen

Recess in the morning.

Sabi sa'kin ni Ms. Chavez, tawagin ko daw si Louise Aguilar, Carlo Allen Caro, at si Jane Dasal. Edi sinimulan kong tawagin si Louise. Tapos nagpunta ako sa St. Simon at hinanap si Carlo Allen

Ako: (to Mrs. Sermise) Ms., can I excuse Carlo Allen. Ms. Chavez wants to talk to him.
Ms. Sermise: (to the class) Carlo Allen? Where's Carlo Allen?
Student: Ms., St. John po 'yon.
Ako: St. John ba? Ay, sorry Miss, thank you po. (sabay labas ng classroom)


Kakahiya!

July 26, 2010

First Club Meeting

Ngayon ang first club meetings sa school. Pero bago tayo pumunta sa main event, kwento ko muna ang nangyari noong umaga. Nothing much happened. Pero si Ms. Sermise, gusto niya na pumunta ako sa KadiDAG. Siguro dahil nga sa script-writing na ginagawa ko. Pero ayoko talaga sa KadiDAG. Kasi naman, two years na ako doon (1st year and 2nd year) wala naman kaming nagawa. Mas nadevelop ko pa nga ang talent ko sa YLC. Hay nako!

So ngayon, pumunta na tayo sa ating agenda for the day. So, ako ang Coordinator ng YLC. Actually noong 3rd year ako, ayoko ng position na ito dahil, well, it's full of responsibilities. Pero I guess, napamahal na ako sa club na ito kasi I enjoyed it so much. Dito ko nalaman na kaya ko palang mag-lead (through directing). Nung sinabi ni Ms. Antonio na ako na ang Coordinator, syempre masaya ako. Tapos nung sinabi nila na aakyat daw ako sa stage sa graduation, edi mas masaya ako. Mwahaha!! Pero hindi iyon ang habol ko sa YLC ah!

So ayon, Coordinator na ako. Nag-lead ako ng opening prayer. Naku! Ang ganda ng first impression ko sa kanila. Ganito oh:

Ako: St. Joseph's Aca-- (narealize ko ang pagkakamali ko) ST. JOSEPH...
YLC: Pray for us (may kasamang giggle)


Thank you, YLC. I'll never forget this.

Ayon na nga. So maayos naman ang flow ng meeting. Sa bandang huli, wala na kaming ginawa kaya nagpa-game nalang kami. Una ang "sensitivity game." Para naman manahimik sila kahit saglit lang. Kasi tumatahimik lang sila pag si Ms. Vargas na ang nagsasalita. Nung umpisa, tahimik. Nako! Ang sarap sa loob ng library. Pero after a minute, maingay na uli. So it didn't work.

Next, naglaro kami ng "Trip to the Market" Yon ata tawag doon. Si Ms. Candelaria ang nagpalaro samin noon dati. Iyong, ABC tapos dapat hindi maulit ang sinasabi nila, kundi consequence. Sasabihin nila kung anong bagay ang may kinalaman sa library. Edi ayon na, nagsimula na kami. May isang lalaki, 3rd o 2nd year ata. Letter "E" ang tumapat sa kanya:

Lalaki: Egg.
Ako: Saan mo makikita ang EGG sa library?

Tapos wala siyan naisagot. Edi na-consequence siya. Nung Tinawag ko na lahat ng na-consequence, lumapit sakin yung lalaki, nagbukas ng libro at sinabing:

Lalaki: Ate, ito, may egg dito.

Okay, Kuya, sige na, may egg na sa library.

Ang pina-consequence ko ay lip-spell ng "YOUNG LIBRARIAN'S CLUB" Okay na nga iyon kesa pasayawin ko sila diba?!?

Iyon lang po. Pagkatapos ng meeting feeling ko wala na akong boses. Kakapagod pa. Tsk.


"Life is a one-way road full of detours"
--definition ko ng life, nakuha ko sa religion class.

July 25, 2010

Happy Birthday Roana!! Happy Death Anniv, Tito Pio

Okay, first of all, gusto kong batiin ng HAPPY BIRTHDAY ang aking friend na si ROANA MARIE FLORES. Tignan mo! dedicated pa para sa'yo ang blog entry na ito!!! wahaha. Feel ko lang uli mag-blog ngayon kaya ayan, nagba-blog ako. Mag-si-six na ng umaga ng batiin ko si Roan, nagising ako bigla eh. Isa pa, pinilit kami ni Nica na mag-unli. Pero plano ko talagang mag-unli para batiin si Roana. At alam niyo ba kung anong reply sakin? "Oi, thank u ah!" Okay Roana, you're welcome. Haha. Alam ko namang minsan ka lang batiin eh... Pero di ko na nilagay iyon. Tapos, sa Facebook, nag-post ako sa wall niya, ito ang nakalagay:

"Happy happy birthday roan!!! Sana maging masaya ka ngayon and may you be blessed everyday! Love you and thank you sa lahat. Minsan naisip ko, paano kaya kung hindi ka nag-aral sa St. Joseph? Pano kaya kung lumipat ako ng high school? edi hindi kita nakilala. Kaya nga nagpapasalamat ako kay God kasi binigyan Niya ako ng kaibigang tulad mo. Sorry madramang mahaba"


Di ko naman gustong magdrama sa homepage ni Roana diba, pero since last bday n nia ito na kumpleto kaming TNP, sinabi ko na din iyon. Sa totoo nga, kulang pa iyan. Isa pa, ito ang message na hindi lang sa kanya ko gustong iparating. narealize ko kasi na lahat ng ginawa ni God ay either dahil sa will Niya or dahil sa destiny. Pano nga ba kung lumipat ako ng school? Edi iba ang mga kasama ko ngayon. Iba ang Best Friend ko at walang TNP. Kaya thankful talaga ako kay God kasi binigyan Niya ako ng friends na kasama ko sa hirap at ginhawa (parang mga asawa ko na itong mga ito.)


Medyo naiinis din ako ngayong araw kasi hindi ako sinama ni Nanay sa Batangas. Isang taon na kasing wala si Tito Pio. Gusto kong pumunta sa Batangas para "i-celebrate" ang kanyang death anniversary. Di na nga ako nakapunta sa burol niya, sa anniversary, hindi pa din?!? Nahihiya na ko sa family nila.

Ang malas din ng araw ko. Hindi lang ako naiwan sa tindahan, I also stepped twice on dog poop, barefooted. Malas talaga.

July 24, 2010

"The Last Song": Book vs. Movie




So, nakwento ko na sa isa kong enrty no natapos ko nang basahin ang "The Last Song" ni Nicholas Sparks. As I've said, the book was extraordinary! Sobrang ganda, sobrang touching. Hindi lang siya nag-focus sa love-life ni Ronnie kundi pati sa relationtiop niya with her family. That's what I like about the story. Medyo narealize ko pa nga na hindi ako hopeless romantic kasi dati ang hinahanap kong libro ay panay "ganon". Pero nagbabasa pa din ako non, syempre. Di niyo na maaalis sakin iyon.

Anyway, since sobra akong na-excite sa libro, nagdownload agad ako ng movie from the net. Buti nalang, ang bilis ng download, napanood ko agad kagabi. I stayed up late just to finish watching it. (Nagalit pa nga si nanay kasi tanghali na akong gumising kanina) Last night after watching it, medyo na-disappoint ako kasi hindi iyon yung inexpect ko sa movie. Example, sa book, okay lang sa Daddy ni Ronnie lahat ng ginagawa niya kahit mag-rebelde siya basta masaya siya. Tsaka yung tatay niya tahimik doon. Sa movie, medyo may flaw doon sa character nung Dad ni Ronnie. Yung movie, mas pinakita yung relationship ni Ronnie Kay Will. Sa katapusan lang pinakita yung relationship niya with her father. Natutuwa lang ako kasi yung little brother ni Ronnie sa book at sa movie ay yung tipo na ganong-ganon ko siya inimagine. Ayon lang.

So to make things clear, mas gusto ko ang book. Madalas naman kasi talaga mas maganda ang book kesa sa ginagawang movie. minsan naman, mas napapaganda ang movie kesa sa book. maybe it depends on the people behind the scenes kung paano nila iyon ipapakita ng maganda. Mas nagandahan at mas na-touch lang talaga ako sa book. Iyon lamang ang nais kong iparating.

July 23, 2010

Ang Pink Kong Kwarto

(Kwarto ni Aira)

Pearl: "Pink naman kulay ng kwarto mo, 'ba yan. Eto talaga gusto mong kulay?"

Aira: "Eto gusto ng nanay ko. Pero second choice ko kasi blue."

Pearl: "Eh ano yung first choice mo?"

Aira: "First choice ko blue." (pause tapos tawa ng malakas)

--> Gulo mo kausap! 1st at 2nd choice m blue. Yan si Aira, full... of options. \m/



... haha. nice Pearl... Kinuha ko to sa FB account ni Pearl. Gusto ko sanang Iprint yung page kaso di ko alam kung paano. TSK.

What happened Last Night

Kagabi, patapos na ako sa pagbabasa ko ng "The Last Song" ni Nicholas Sparks. Doon na ako sa part na mamamatay na yung tatay ng bidang si Ronnie. Sobrang na-carried-away ako sa pagbabasa, humagulgol ako ng iyak at sinabayan ko ng tulog.

Pagkagising ko ng umaga, una kong naisip, "Bakit parang ang bigat ng mata ko?" Pagharap ko sa salamin, Sobrang namamaga talaga ang mata ko. Nainis tuloy ako kasi ang gara ng itsura ko! wahaha...

Napansin agad ng mga classmates ko na namamaga mata ko. Tinanong nila kung bakit. edi kinuwento naman, diba? Haha. Ayun lang. Lesson learned na dito. At ano yon?

WAG AGAD MATUTULOG PAG UMIYAK KA SA GABI!

Ayan sana may natutunan kayo sa crying experience ko. Ano ba yan, nonsense naman itong Entry na ito. sige na nga, tapusin ko na. Ayan na. Tapos na ah!


I created a blog!

Hello there! Yeah, I know what you're thinking. "What?! Aira's blogging?!" Yes I am. I don't know why I am doing this since I don't have much stories to offer. I actually preferred to have a private life. But hey, I want to experience the feeling of blogging, too. The feeling of sharing nonsense things to someone you don't know (who will even have interest in reading this) just to talk about something. I get bored infront of the computer nowadays and now I am finding ways to entertain myself (or to prolong my stay infront of the computer.)

so ngayon, magtatagalog na ako. Sorry for those who can't understand Tagalog. You better try learning Tagalog if you are really interested in my blog. Magtatagalog na ako kasi mas comfortable ako sa language namin. Mas marami akong masasabi kung magtatagalog ako. Siguro mga ilalagay ko dito eh yung mga tungkol sa libro kong nabasa, mga realizations ko o mga walang kwentang pag-uusap namin ng mga taong nakapaligid sa akin. Sana lang matandaan ko lahat ng moments sa buhay ko. Alam niyo naman ako, makakalimutin! wahaha. okay, ayan na, let the BLOGGING begin!!