Kaninang Physics time, wala kaming ginwawa kasi may ine-expect kaming magseseminar. Ewan ko kung para saan pero mag-seseminar sila. Kaya parang naging free time ang Physics namin kanina. Wala naman nga kaming ginawa kaya ako, si Pearl at si Reymar ay nagkwentuhan na lang. Pagod na kasi siguro kami sa mga problema ni Kuya (Reymar) sa pag-ibig kaya nagkwentuhan na lang kami ng katatakutan. Si Kuya ang nagkwento.
Noong grade 6 daw siya ay nakaexperience siya ng paranormal sightings. Nasa bahay siya mag-isa, specifically sa kwarto, nakikinig ng music sa radyo. Tapos, biglang umikot-ikot daw yung radyo(Di ko magets kung paano nangyari iyon. Basta, umikot-ikot iyon.) Tapos bigla daw sumara ang pinto ng kwarto at 'yung kurtina ay hinahangin-hangin. Tapos, tumingin siya sa kisame at may ulo ng babaeng nakalutang. Hindi niya daw nakita 'yung mukha kasi ang buhok nung multo ay nasa mukha niyang lahat. Ang description pa niya sa hair-style ng multo ay "pang-emo". Grabe, ang swerte siguro ng taong makaka-encounter ng emo na multo.
Pagkatapos ng story niya, nagbigay pa siya ng tips kung mapupunta ka sa sitwasyon na iyon:
1. Huwag magpapanic kasi daw mashahabulin ka pag gano'n. Calm down.
2. Ang paranormal activity daw ay nangyayari between 3 pm- 3 am. Sosyal ang multo, may schedule.
3. Huwag makikipag-eye-contact. Mas ma-aatach ka sa kanila pag ganon.
Kuya: oy, may sasabihin ako sa inyo pero huwag kayong matatawa ah.
Ako at Pearl: Okay.
Kuya: Ang multo daw ay lumalabas sa toilet bowl.
Ako at Pearl: (nagtinginan sabay tawa.)
Wahaha! Sorry, Kuya. Di namin mapigil ang sinabi mo. Samahan pa ng facial expression mo noon!
July 27, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment