October 26, 2010

Entrance Test sa UST!

So, nagmeet kami nina Nica, Jane, Arnold at Reymar sa 7.11 sa Zapote. Mga 11 na nga kami nakaalis eh. Pinakanatuwa akoo nung pagpasik ni Arnold sa 7.11. Paano ba naman kasi, nakapolo na black, maong na shorts tapos rubber shoes. Imaginin niyo na lang pero nakakatuwa talaga yung itsura ni Arnold. Haha!

As usual, napatid nanaman ako sa bus. Paano ba naman kasi, yung bag nung mama ay nakaharang sa daan! And ingay namin sa bus. Lagi naman eh. Tapos nakia ko nanaman ung ver firs wi-fi bus. Pero ang dami kong nakitang ganoong bus. First silang lahat. Where's the logic???

Mga 12.30 nakarating na kami sa UST. Daming tao. Mga nakatapos na ng test yung nadoon. Pero nagutom kami kaya nag Mang Inasal kami. Sina Jane, Arnold at Reymar nag rice all you can. Kami ni Nica barbeque lang. Tipid kami eh. May philosophy pa si Arnold eh, "Kapag kumain ka ng rice-all-you-can, kailangan makatatlong balik ka para sulit." So ayun na nga, tapos na kaming kumain.

Nagpunta kami sa lugar na pagtetestan namin. Hinatid muna namin si Kuya kasi siya lang mag-isa sa building na iyo. Kawawa naman siya. Haha. Pagdating ko doon sa room ko, andoon si Armin at larisse. Nagulat nga ako eh. Tapos edi ayo na. Ang bagal nung proctor namin, kaasar! Di ko lang natapos ung Math. Ang hirap ng Science! Ayon. Natapos din.

Na-ccr ako pagkatapos ng test. Ang lamig kasi sa classroom eh. Eh wala palang CR doon sa McDo nila. Una tinry namin doon sa hospital nila. Ayaw kaming papasukin. Sabi pa nga ni Nica himatayin daw ako para papasukin kami. Haha. In the end, doon kami nagpunta sa building na pinagtestan ni Kuya. Pinapasok naman kami ng guard. Actually di niya nga kami pinansin eh. Habang nakapila, ang ingay nina Arnold. Maganda daw magshooting sa hallway doon kasi ang dilim. Parang may papalapit na zombie daw. Habang naglalakad, may nakita kaming sign "SPED"

Arnold: Ano yung SPED?
Reymar: Mga taong katulad ni Jermyn.

Meron pang isa:
Arnold: Para itong Shake, Rattle Roll.
Ako: Diba may AND iyon? SHAKE RATTLE AND ROLL?!
Tawanan na lahat.

Mineet namin sina Mary Ann at Karen sa SM Manila. Noong mga time na iyon, hinanap na ako sa bahay kasi kailangan ko nang injectionan ang lolo ko. Hiniram ni Kuya yung cellphone ko. Pahugot ko sa bulsa ko, tinatawagan na ako ni Nanay. Todo panic ako kasi ang ingay sa mall. Yung as in maririnig talaga sa phone. Takbo ako dito, takbo roon, kinakabahan ako. Maririnig ni Nanay kung nasaan ako. Haha. Pero buti na lang kapatid ko ang nakausap ko.

Kumain kami sa KFC na pasara na. Tapos nagpunta kami sa Odyssey. Bumili ako ng CD. My Sassy Girl tsaka A Walk to Remember. Buy 1 take 1 eh. Haha.

Ayon. Umuwi na kami ng bandang 9 pm. Nakarating ako ng bahay ng 10. Akala ko may dadadadadadadadak galing sa Inay ko. Buti wala. Haha.

And that's how my day went sa UST

0 comments:

Post a Comment