October 10, 2010

Happy Birthday, NicaLoo!









Nica, alam kong gusto mo sa text ka bibigyan ng message pero mas gusto ko sa blog kasi pag dito hindi nabubura. Haha. Tsaka baka di magkasya sa text.

Anyway, it's your special day today, you're 17! Happy Birthday!

Si Nica, napakasarap maging kaibigan. Masaya nga ako dahil kahit papaano, naging friend ko siya. Naging MALAKING parte siya ng buhay ko na paniguradong mahirap burahin sa Story ng buhay ko.

First year ko nakilala si Nica. Nung time na yon, di pa kami close. Una kong tingin sa kanya, mataray. Ganon talaga magiging first impression mo sa kanya dahil sa mata niya. Mataray tumigin. (Kahapon nga pauwi kami galing swimming, sa jeep, may sumakay tapos antagal niyang tinitigan. Haha. Nakita ko yun!) Wala na akong maalala sa buhay first year kaya ayon lang. May sarili kasi akong mundo noon eh.

Second year, classmate ko uli siya. Pero, ganon pa din, nagpatuloy pa din kami na ganon. May isang time lang nung second year na may grouping kami sa religion ata. Imbis na gumawa kami ng group project, nagkwentuhan lang kami ng mga ka-group ko. Ka-group ko non si Nica. Di ko alam kung paano nangyari ito, pinag-uusapan ata si Reymar, pero kinwento niya ung love-life niya nung nandoon pa siya sa old school niya. Naki-kinig naman ako. Ganon kabilis mag-open up si Nica. Mabilis din kasi siyang magtiwala. Kalaunan, dumating ang TWILIGHT at naadik kami kay Edward at doon kami nagsimulang mag-usap-usap ng sobra.. Haha. Ayon. Tapos nagkaroon ng TNP, naging member siya at nung umpisa akala ko naki-ride lang siya samin. Yun pala, sineryoso niya ang aming samahan. Dito ko rin nadiscover ang Nica na kilala natin ngayon.

Third year mas lalo akong naging close kay Nica, laht ng kalokohan ata ginawa na namin. Sa sobrang dami, di ko na matandaan lahat. tapos pag tumatawa kami, feeling ko may sarili kaming choir na ang lyrics ay panay tawa lang.

Nung summer laging nasa bahay namin si Nica, sinasamahan ako sa tindahan. Tsaka lagi siyang nag-aarrange ng picnic sa Golden Haven.

Ngayon 17 ka na Nica. Maraming bagay na ang na-experience mo. Mas maraming bagay pa ang dapat na i-look forward to mo. Nagpapasalamat ako at may "NICA" na nagung parte ng buhay ko. Na kasama ko sa tawanan, kalokohan, iyakan, lahat na. Nica, thank you sa lahat. Hinding hindi ko malilimutan ang friendship natin. Salamat sa pagiging ikaw. Happy Birthday! Love you!

1 comments:

iamnica said...

aww. I love you Aira! Kaasar kayo nila Pearl. Kaiyak mga dedicated niyong blog para sakin. :))

Post a Comment