Grabe! Ang saya-saya ko kasi first time kong kumanta sa isang banda. Sobrang practice kami ng mga nakaraang araw hanggang sa feeling ko wala na kong boses. Ikaw ba naman makipaglaban sa lakas ng tunog ng drums, electric guitar at bass guitar, di ka mawalan ng boses.. Haha...
Yung first part nung kanta, syempre tensed pa masyado kaya di pa ganong ka lively. Kinanta namin yung rock style ng last christmas tsaka bring me to life (On the spot yan!)
Yung ending, mas gusto ko to. Eto talaga yung part na sinabi samin na in-entertain muna namin yung audience habang nag-seset-up yung banda. Napunta pa sa akin yung part na iyon. So parang nasabi ko na ata lahat ng pwedeng masabi habang inaayos ung equipments, di parin sila tapos... Hayyyy.. Pero sa totoo lang, nakakawala ng kaba yung ginawa ko na iyon. Kaya naman nung nagkamali ako sa "KIKISLAP ANG PAG-ASA!!!" Ngumiti lang ako... haha... Di man lang ako nahiya... Haha..
Salamat sa ka-banda ko, sina Hanns, Aldrin, Ritz, Ramon, Sharm, Arnold at Reymar. Salamat sa mga classmate namin na nag-support sa amin kagabi!!! Haha! Di ko malilimutan itong experience na ito!
December 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment