Hay nako! Umalis si Nanay tsaka si Yan-yan ngayon. Bumili sila ng slippers. Hindi na ko sumama kasi ayokong kasama si nanay. Bakit? Kasi naman kapag kasama ko siya di ko rin mabibili yung gusto ko. Ang bibilhin niya yung gusto niya. Eh para saan pa yung effort ko na pagsama sa kanya kung siya din pala pipili? Anong gagawin ko sa SM? Sukatan ng paa? Kada taon na lag ganon. Kaya nga di na talaga ako sumama sa kanya. Pag di ka naman sumama sa kanya di ka bibigyan ng pera pambili ng sapatos. Bahala ka sa buhay mo ang style. naiinis talaga ako.
Mahilig pa naman ako sa sapatos. Bukod sa libro, gusto ko ring mangolekta ng shoes o kahit anong footwear. Na-inspire kasi ako dun sa Boys over Flowers. Sabi doon, "Good shoes take you to good places." Wala lang natuwa lang ako. May logic naman di ba? Gusto ko talagang bumili ng shoes kaso lang sobrang mahal lang talaga nila. Tsaka napaglulumaan. Well, hindi na din naman yun gaanong maluluma kung di na din lalaki paa ko, di ba? Haha.
Basta! Hanggang ngayon bad trip pa din ako sa nanay ko. Gusto ko lang maglabas ng ka-badtripan.
0 comments:
Post a Comment