August 6, 2010

Leadership Training






Okay, so matagal na akong hindi nakapag-post. Kaya ngayon, tungkol sa leadership training ang ilalagay ko dito. Last week pa nga ito nangyari kaso nga lang wala akong masyadong oras para mag-blog. Anyway, doon na nga sa Camp.

SURROUNDINGS:
Masarap sa paligid, peaceful, tahimik.. (peaceful na tahimik pa. kasi naman may klase ng peace na maingay diba?) Tapos green, as in full of trees. Nakakapagod lang talagang akyatin iyon. Ang problema lang ay yung ceiling, butas. Siguro yung bubong butas din kasi nga pumasok sa dingding ang tubig. Buti na lang nasa ilalim ako ng double-deck na kama. Goodluck na lang kay Aira na nasa taas ng kama ko. wahaha. Eto malipet! Ang BANYO. As in 'yong shower room. Dalawa actually ang shower room ng girls. Una, may 8 cubicle na may 6 toilets at 2 pang shower. Ung pangalawa, 3 cubicle for shower room. Dito sa room na'to, ang pantakip sa naliligo ay pinagdikit dikit na sako. Makikitaan ka na kapag walang naghahawak ng covers.

FOOD:
Okay naman 'yung food. Para ka lnag namang nasa evacuation center na ga-bundok ang kanin mo, kapiranggot naman ang ulam. Tapos dapat ubusin namin 'yung nasa plato namin. Eh pano un, malakas ako sa ulam? Sana pala pinabukas ko kayMary Ann ang baon niyang sardinas na hindi naipasa.

PEOPLE:
Ito yung mga nakasama ko sa camp, mga galing sa ibang school ng DOPPSA. Okay naman sila, yung iba sa sobrang dami eh sobrang ingay. Inaamin ko, pinakatahimik kami doon. Friendly naman ang lahat.


Pinakagusto kong moment dito eh yung nagpresent na ang St. Joseph. Pantomime ang ginawa namin at kami ang unique sa lahat. Pero maganda din naman ang presentation ng ibang school. Iba lang talaga kami. Gusto ko din yung nagkaroon ako ng friends mula sa ibang school kahit sandali lang. They trusted me enough to let me be thier leader which I refused to be. (Give chance to others)



Eto talaga pinaka di ko malilimutang parte ng biyahe. Pauwi na kami...


FERNAND: (nakatingin sa akin) Tumae ka ba?
AKO: (shocked) uhm, hindi, ang gamol kasi ng CR nila eh...

0 comments:

Post a Comment