August 29, 2010

A Clumsy Day at the City within a Wall

Hay nako! Ngayon ko lang maiba-blog ang nangyari kahapon dahil sa sobrang pagod ko! As in pag-uwi ko, natulog lang ako... Hindi pala, nagpunta pa pala ako sa birthday ng Ninong ko at kumain. Papalampasin ko ba yun? haha... Nanood din kami ng pinsan ko ng "The Devik Wears Prada."

Anyway back to the story. 8 am, nagmeet kami nina Nica at Jane sa 7-eleven Zapote. Medyo na-late pa nga ako dahil sa Itay kong may ginawa pa bago kami umalis. Hindi ko na sasabihin yon. Pero di siya nag-CON (call-of-nature) ah... Ayon basta.

First destination namin ay UST. Super excited kaming pumunta ng UST kasi...ewan... siguro dahil sa ambiance doon. Basta. Ayon sa nag-submit kami ng application form. Kakainis lang kasi ang sikip ng lugar na tanggapan nila. Tpos isang pinto lang ang bukas kahit na 2 ang pinto nila. Tsk. Ayon. Pagpasok ko talaga sa UST para kaming mga probinsyano... Haha. Feeling ko pag college na ako, ganon talaga ang magiging feeling ko. Meron isang exhibit sa UST na pinasok namin entitled: "Lumina Pandit". Spreading the Light ata ibig sabihin. Di ko matandaan ung sinabi nung guide. 50 pesos ang entrance fee. Pero para sa akin di siya gaanong woth it. Panay books lang din kasi siya na di ko maintindihan yung nilalaman. Example ay ang Doctrina Christiana, mga works tungkol sa theory na sun ang center of the Earth. Mga ganon. Ang mga nakakuha lang ng interest ko ay yung malaking tiger na totoo pala. Fossilized na siya. Kakatakot! Parang susunggaban ka niya any minute. Na-interest din ako sa original copy ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Tsaka andoon din yung mga kopya ng grades ni Rizal. Ewan ko kung anong nakuha niya, 'wag niyo nang tanungin. Ayon, hanggang nagutom na kami at kumain kami sa Jollibee.

Next stop sana namin ay Intramuros kaso tirik ang araw noon. Mga 12 pm na. Kaya nag-decide kaming pumunta sa Robinsons. Sa makalampas ng entrance, sa part ng parang tindahan ng kung ano-ano na bigla lang itinayo doon sa gitna ng Rob, may isang "magician" na nagpapalipad ng baraha. Edi nacurious kami nina Nica at Jane. Nagpakita siya ng magic trick tapos may point doon na may hawak siyang isang card tapos itatago niya. Nahuli ni Jane kung saan tinago nung "magician" ang card. HULI! wahahaha! Ayon tapos nagpunta kami ng Powerbooks. Ang daming libro na gusto kong bilihin pero di ko mabili. Tsk. Tapos pauwi, kumain kami ng FRIED ICE CREAM!!!! Ang sarap, grabe!!!

Nagpunta na kami ng Intramuros. First Stop PLM. Tapos, Lyceum the Letran. Natuwa naman ako sa 7-eleven doon. Nag-adapt siya sa surrounding niya. Nakakita na ako ng 7-eleven na makaluma ang itsura! haha. Ayon. Pagod kami palakad lakad. Pero worth it naman.

Ang Intramuros ang "City within a Wall" ah. Don't forget that. Ang ganda lang ng tawag sa lugar. Parang iba ang mundo doon sa loob. Iba ang ambiance.

Pinaka-hindi ko mlilimutang pangyayari ay noong napatid ako sa parang man-hole at lumipad ang kamay ko papunta sa tiyan ng isang lalaki. haha... Nung natamaan ko yung tiyan, niya, talagang tumunog ung lagitik eh... Haha. Sport naman si Kuya...

WORD-of-the-day: CON

0 comments:

Post a Comment