This blog post goes to my bestest best friend in the whole world... Here it goes. (hindi ko alam kung paano ko to sisimulan.wew)
Grade two ko naging classmate si Janinna. At dahil bata pa ako, di ako ganon ka friendly. Kaya di ko siya gaanong kilala nung mga time na ito. Ang tingin ko lang talaga sa kanya ay classmate. Grade 5, noong naging close kami ni Inna. Nung umpisa, sabay lang kaming lumalabas ng campus dahil lumalabas kami kapag lunch. Hanggang sa nagsabay na kami ng recess at ayon, di namin namalayan,best friends na kami. Di ko alam kung natatandaan pa niya itong isang incident na ito na nangyari noong end ng grade 5 namin. Hindi ko din alam kung bakit nangyari ito, pero, nangyari eh. Umiyak ako sa harap ni Inna tapos sinabi ko sa kanya na gusto ko siyang maging best friend ng matagal. Alam niyo reaction niya? Siguro alam niyo na. Kalmado lang siya tapos sabi niya, "Okay." Haha. natutuwa pa din ako dito hanggang ngayon.
Ngayon, halos 5 years na kaming magkasama, madami na kaming napagdaanan na ups and downs. Madami na din kaming secrets na nasabi sa isa't isa. Madami na ding naging tawanan, tampuhan at biruan. Di ko maimagine na sobrang bilis pala ng oras para magtagal kami ng ganito. Sobrang saya ko at si Inna ang naging best friend ko. kahit opposites kami, nagkakaintindihan pa din kami. (super di ko alam ang sasabihin ko.) Si Inna, kahit mahirap patawanin, masayang kasama 'yan.
Kaya nga mamimiss ko si Inna pag nagkahiwa-hiwalay na kami. (Bakit ba pag may letters or kahit anong dedication page, may part na, magkakahiwa-hiwalay na? Siguro kasi iimaginin mo yung time kung kelan magkahiwalay na kayo, doon mo marerealize kung gaano mo siya mamimiss.)
Sa blog ko naisipang igreet si Inna. Pero na greet ko na siya sa FB tsaka sa phone.
Kaya Inna, if you're reading this, I want to say thank you for all the times we've spent together. Nagpapasalamat ako at may "Janinna" na naging best friend ko. Maraming maraming salamat, Ate, Unni, Inna-san... I LOVE YOU! Happy Birthday!
September 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Hindi ko maalala yung nangyari nung Grade 5??Hahaha.xD
I'll just make this short, gusto kong magpasalamat sa lahat.. basta sa lahat, hindi magkakasya dito eh.^^ And THANKS FOR BEING MY BFF:)))
Saranghamnida, Aira-unni:)
Post a Comment