Tuesday afternoon, pinauwi ako galing school dahil kailangan ko raw magpa- check up dahil may possiblity na ako'y may sore eyes. Edi ayon nga, umuwi ako. Tapos natulog ako, pagkagising ko, may sore eyes na nga ako, edi nagpa-check up na nga kami. Sabi ng Doctor, may possibility daw na mabulag ako... WHAT?!? Joke lang. May possibility daw na mahawa ang mga tao sa bahay.
Ayon nga, nahawa na si tatay kinabukasan... Natawa lang ako. Pero mas malalala ang lagay ng mata ng tatay ko.. haha
The next day, si Pia naman ang nagkaroon ng sore eyes. HIndi tuloy siya nakapasok. Kaming 3 lang naiwan sa bahay. Nagmukhang Isolation Center tuloy ang aming bahay. Tsk.
Friday, swerteng walang pasok, si Yan-yan naman ang nagka-sore eyes. Swerte niya, tapos na field trip nila.
Ngayon Saturday, si Lola Choleng naman ang nagka-sore eyes. Ang kulit kasi noon, sinabi nang wag lumapit samin, lapit pa din ng lapit.
Sa ngayon, wala na kong sore eyes, pero bakas pa din ang naging epekto ng aking inispread na virus. Nag-shrink ang aking left eye. Wahaha... Natuwa naman ako at madaming nakaalala sa akin habang ako'y nasa bahay at sila'y nagku-quiz sa school. Haha.. Joke lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment