Okay, so alam naman natin na hindi naman talaga ako kasama sa top 10 ng klase. Pero seriously, top ten ako. Bakit? Kasi ako na ang susunod sa linya. Pang-11 ako sa klase. Kasi nga diba may nag-tie sa ranking. So, that makes me 11th in place. Tae, sayang. Pero di ako bitter. BAka iniisip ninyo bitter ako eh. Ahahaha... Babawi na ang ako.
Wala naman akong magagawa, ganon ang nangyari eh. Pero super unfair talaga ng ipinatupad ng DepEd. Paano na yung mga estudyanteng deserving talaga na maparangalan sa pagsususnog ng kilay para lang makapasok sa OS? Nakakatamad na tuloy mag-aral... Haha. Tinatamad lang talaga ako. Walang kinalaman iyon sa mga reklamo ko.
HIndi na kasi gaanong nakaka-excite ang 4th year life. Panay pressure na kasi. Ayon lang ata sasabihin ko. Haha. Sige, Bye na muna.
Congratulations sa nakapasok sa top 10!!! Haha. Second grading, here I come!
September 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment