June 29, 2011

Hindi na ako uupo sa 3-seater sa bus. EVER.

Ayoko ng umupo sa 3-seater ng bus.

Kagabi ko lang ito napagtanto. Pauwi na kasi ako galing sa school. Tapos sumakay na ko sa bus pauw, papuntang Zapote. Eh sa may parteng PNU konti pa lang yung sumasakay kasi nga halos nag-uumpisa pa lang ung biyahe ng bus. So, madaming bakanteng upuan. Yung mga 2-seater may mga nag-oocuppy na mga tig-iisa bawat upuan. Ayoko namang tumabi sa kanila kasi naiisip ko na baka ayaw muna nilang matabihan. (Katulad ko, ayoko ding matabihan sa bus) So umupo na ko sa 3-seater sa may window seat.

Maya-maya may mga studyante ng Adamson na sumakay. Ang dami nila. Halos pinuno na nila yung bus. Yung tumabi sa akin, mag-SYOTA (Hindi ko prefer itong word na ito pero para sa kanila, iyan ang gagamitin ko.) Maglampungan ba naman sa tabi ko! Asar. Eh ako naman itong forever alone, sinalpak na lang yung earphones sa tenga ko para mapunta ako sa ibang mundo kahit papano.

Ito namang si lalaki, tinanggal pa yung aricon sa tapat ko tapos tinapat yung 2 bilog sa kanya. RUDE MUCH! Di man lang nagtanong kung pwede niyang itapat parehong aircon sa kanya.

By this point, kumukulo na talaga yung dugo ko. Iniimagine ko na yung mga sasabihin ko sa kanila at baka matampal ko pa silang dalawa. Buti na lang bumaba na sila sa Buendia kundi sisipain ko talaga ang mga mukha nila. Di ko sila kayang i-tolerate.

And that's why di na ko uupo sa 3-seater ng bus. The End.

June 26, 2011

Does the future scare you?

June 24, 2011

Ngayon ko lang narealize na kung gaano ka-sobra yung kasiyahan ko, ganoon din ka-sobra kapag nalulungkot ako.

Si Tatay

Kagabi, nasa kwarto ako nina Tatay. Andun silang dalawa ni Yan-yan. Tapos nung una, dinaldal ko sila tungkol sa kung anu-ano, lalo na sa school. Tapos maya-maya, tumahimik ako. Edi nagulat si tatay, kasi bigla kong tumahimik. Umiiyak na pala ako. Tapos tinanong niya kung bakit.

Sabi ko, "Si Karol kasi nandito kanina."

Tapos natuwa si tatay. "Iyon lang umiiyak ka na?"

"Hindi! Namimiss ko lang yung mga kaibigan ko kaya ko umiiyak."

"Eh paano yan? Magkakahiwalay na kayo? Di naman pwedeng lagi mo silang iyakan. Masyado niyo kasing pinalalim yung samahan niyo eh."

Sa point na 'to medyo nasaktan ako dun sa sinabi niya? "Eh anong gusto niyo? Pumasok at mag-aral lang ako sa high school."

Tapos sumingit yung kapatid ko. "Palibhasa si tatay walang kaibigan nung high school."

Si tatay naman defensive, "Hindi, may kaibigan ako, nag-iisa lang siya. Kami talaga yung magkasama lagi. Hanggang ngayon naiisip ko pa siya. Ang sa akin lang, simula nung gumraduate kami, di ko na siya nakita. Ako, di ko alam bahay niya. Eh siya, alam niya kung saan ako nakatira. Ayokong isipin na baka ako na lang yung nag-iisip sa kanya."

Dun sa sinabi niyang iyon, napatahimik ako. Napaisip na din. Si tatay, may isa siyang kaibigan na di na niya nakita kahit kelan. Ako merong 8. Mangyari din kaya sa akin yun? Pero sa isip ko, hindi mangyayari iyon. Iniisip ko na siguro naman namimiss din nila ko katulad ng pagkakamiss ko sa kanila.

Ayon, as consolation dahil sa napakababaw na luha ko, si tatay kung anu-anong sinabi. Sabi niya, dito ko daw sila patulugin ng isang linggo. O kaya bibigyan niya ko ng pera tapos ilibre ko daw sila. (Para sa TNP na nagbabasa nito, joke lang yun ni tatay ah). Tapos tatabihan niya daw ako sa classroom magdaldalan daw kami.

Si tatay... Natutuwa ako na ginagawa niya ang lahat para sa amin. Kahit simpleng bagay lang, basta masaya kami, ibibigay niya. Nagiging kaibigan ko siya kapag kailangan ko. Hindi man siya perfect na tatay pero lagi siyang nandiyan pag kailangan. May times man na di kami magkasundo, sa huli, siya pa din yung tama kahit anong tampo pa ang gawin ko.

Late ko man itong sasabihin, pero, TAY, thank you sa lahat! Sa pagtitiyaga sa akin ng 16 years. I love you, and happy father's day!

June 23, 2011

Bold the things you have done.

Swam in the ocean.
Swam in the lake.
Been in a skit.
Received a 100 in a class.
Won an award.
Slept for a whole day.
Met a celebrity.
Been to Canada.
Been to California.
Been to Oregon.
Been to North Carolina.
Been to South Carolina.
Been to Florida.
Been to Oklahoma.
Played house.
Had an imaginary friend.
Read a book in one whole day.
Been on a horrible date.
Been tipsy.
Saw my favorite singer in concert.
Ate a salad from McDonalds.
Farted in public.
Thrown up in class.
Spit on someone.
Lit something on fire.
Smoked a cigarette.
Gave a speech.
Put a hole in the wall.
Broke a dish on accident.
Broke a dish on purpose.
Worked at an office before.
Worked at a daycare.
Used a webcam.
Cussed out a teacher.
Cussed out my parents.
Failed only one class.
Saw Phantom of the Opera live.
Hugged a complete stranger.
Played The Sims 2 for over two hours.
Had a movie marathon.
Yelled in public.
Watched a movie over 100 hundred times.
Have been brutally honest with people.
I avoid some people on purpose.
I’ve thought about cheating.
I hate the way I look most of the time.
I actually like the way I look most of the time. (Errr love/hate relationship with myself.)
I have siblings.
I have pets.
I’ve been on vacation recently.
I love meeting new people.
I am insanely shy.
I’m on a sports team.
I play music.
My best friend is a boy.
I talk on the phone every night.
I drink milk almost every day.
I like to read.
I like to watch tv.
I couldnt care less about video games.
I hate my mom and dad.
I’ve never asked someone out.
I can touch my nose with my tongue.
I’ve been to another continent.
I miss being a little kid.
I’ve been to a public pool recently.
Summer is my favorite time of the year.
Winter is my favorite time of the year.
I’ve been to a concert recently.
I drive and have my own car.
My room is almost always messy.
I’m listening to music right now.
Music helps me work.
The last person I texted was a boy.
I want a new phone really bad.
I secretly love cartoons.
I am dating someone.
The last thing I drank was water.
I used to play with barbies.
I collect something.
I’ve been to a carnival recently.
I know what syncopation is.
I need to charge my phone.
I’m still in my pajamas.
I have to go to school tomorrow.
I need to clean something.
I’ve broken a bone.
I’ve eaten something weird.
I’m an extremely picky eater.
I’ve been out to eat recently.
I love going to the mall.
I hate big groups.
I’m watching tv right now.
People say I’m pretty.
I’ve been told that I have gorgeous eyes.
I need new clothes really bad.
My hair is up right now.
I need to shave my legs.
I get good grades.
I have a myspace.
I have a facebook.
I showered last night.
Someone I know has died.
Someone I know has had cancer.
It’s past my bedtime.
People tell me that they like my clothes.
I actually got a stupid class ring.
I’ve kissed someone in front of my parents.
I’ve kissed someone on new years.
I love halloween.
I remember the last time I tripped.
It’s hard to sleep without a blanket.
I played soccer when I was little.
I played basketball when I was little.
My ears are pierced.
My bellybutton is pierced
I plan on getting married.
I plan on having some kids.
I curse a lot.
I know someone in a band.
I can dance really well.
I suck at math.
I am pro-choice. (Well idk, it’s your choice in the end.)
I know some rednecks.
I still love an ex.
I’ve been told that I have a nice butt.
I can speak another language.
I am fluent in another language.
I can play the piano.
I’ve been told that I can’t dance.
I’m a cheerleader.
I believe in God.
I want to go to Mexico.
I like to waste time.
I like to sleep.
My first kiss kinda sucked.
I think smoking is gross.
I’ve never gotten my nails done.
I should be doing homework right now.
I love horror movies.
All of my grandparents are alive.
I miss my boyfriend.
I haven’t talked to my best friend all day.
People tell me that I’m short. (Well, I am.)
Sometimes my socks don’t match.
I cant wait til my birthday.
I’m a procrastinator.
I’m not like everyone else.
I like strawberries.
I like thunderstorms.
Someone’s mad at me right now.
I hate when people are rude.
I’m an optimist.
I am really self-conscious. (To an extent? Not really though.)
My first relationship ended badly.
I love when boys hold doors open.
I’ve passed out from drinking.
I’ve been in love before.
I’m a virgin.
I plan to wait for sex til marriage.
I’ve been to a funeral this year.
I am insanely hungry right now.
I liked this survey a lot.
I should probably do something productive now.

What I Want to Say

Lately madami akong nagiging ideas na pwede kong i-blog. At gusto kong i-blog. Pero nakakalimutan ko yung mga iyon. Haha. Yung mga idea na 'to nakukuha ko siya kapag nasa bus, tapos walang magawa. Ikaw ba naman sumakay ng bus ng 2 oras, may magawa ka pa kayang iba?

Pero ito talaga. Alam mo ba yung feeling na parang may gusto kang sabihin pero di mo masabi kasi di mo ma-express? Yun yung feeling ko ngayon. Sobrang hirap akong mag-express ng sarili ko.

Sa classroom, 'pag nag-sa-sound trip ako gusto kong kumanta ng malakas pero di ko magawa. Nahihiya kasi ako. Or nangangapa pa ko.

Pag gusto kong tumawa ng malakas, with matching palo ng lamesa at palakpak, pinipigil ko pa.

Pag gusto kong tumayo para mag-gala sa classroom, di ko magawa. Eh pa'no ba naman, saan ako gagala at sinong tatabihan ko para maki-chismisan? Wala pa naman akong gaanong friends.

Ang problema ko lang talaga ngayon sa pakikipag-kaibigan eh yung wala akong makilala na may kaparehong interest sa akin. Kasi kung meron man e di sobrang dinaldal ko na siya. Yung tipong wala nang kwenta yung pinag-uusapan namin, nagkkwentuhan pa din kami.

I know that lately I've been blogging of how much I've missed the company of my friends. And lately I realized that I will ALWAYS miss them. Whatever happens they're still my friends and we've been through a lot which makes our friendship stronger.

Nung huling pagkikita nga namin ng TNP, may sinabi ako kay Pearl. Nasa tricycle kami noon, pauwi na galing cerealicious. Hindi man siya exact, pero nandoon yung thought:

"Alam mo ba, Pearl, narealize ko na dadating yung time na magkakaiba na yung mga iniisip natin,
yung mga pinag-uusapan natin hindi na magiging magkapareho kasi magkakaiba na
yung environment natin. Nung nasa SJA tayo, syempre kilala natin yung mga pinag-uusapan natin,
yung mga taong pinag-chi-chismisan natin. Ngayon pag nagkkwentuhan tayo halos di na natin
kilala yung mga taong kinukwento ng isang tao. Pag nanghihingi ng advice tungkol sa
guys eh hindi naman natin kilala, anong masasabi mo sa kaibigan mo kapag na-brokenhearted
siya? Na okay lang yun? Na maayos niyo din yun? Diba mahirap gawin yun kasi di mo n
aman siya kilala. Yun yung pinaka-kinakatakutan kong mangyari."


Yun yung pinaka-kinakatakutan kong mangyari. Yung darating yung time na wala na kaming isshare na common things. Yung daratin yung time na iba na yung interests namin. Yung daratin yung time na hanggang "HI" na lang yung sasabihin namin sa isa't isa. Yung pag nag-uusap kayo may mga awkward moments na.

Alam ko na iniisip niyo, "Ano ba naman yan, Aira ang drama mo naman." Pero ito talaga yung mga thoughts na laging naglalaro sa isip ko. Actually ngayon ko lang to na-experience. Itong fear na ito. Yung fear na mawawalan ka ng taong na-share mo yung mga pinaka-magandang moments ng buhay mo.

Madami pa sana kong idadagdag kaso baka mapagod na kayo sa drama ko. Hoho.

June 19, 2011

Things I miss about High School


Ngayong naka-1 week na ko sa college, syempre di ko naman maiiwasan na magcompare. And ito yung ilan sa mga super duper namimiss ko:

1.
Yung pagdating mo pa lang sa school, alam mo na kung saan ka pupunta/ tatambay. Sa college kasi, pag pasok ko pa lang ng campus, dumederetso na ko ng classroom. Wala na kong tinatambayan. Wala nang place na masasabi kong amin lang. Yung doon kami naghihintayan hanggang sa makumpleto kami.

2.
Yung pagpasok mo pa lang sa classroom parang nasa palengke ka na. Namimiss ko yung times na sobra akong mag-ingay pagpasok pa lang. Yung as in buong classroom na-ikot ko na para lang makipag-chismisan. YUng may mga announcements pa. O kaya naman kopyahan ng assignments. O kaya naman kainan/ hingian ng pagkain/ kopyahan ng assignments. Ang tahimik ko kasi sa classroom.

3.
Yung hingian ng pulbo, pagkain, papel o kung ano-mang gamit ng wala nang hiyaan. Ngayong college, feeling ko super kailangan ko nang dalhin lahat ng mga kailangan ko. Parang nakakahiya na kasi yung manghingi ng manghingi.

4.
Yung mga tawanan na halos wala namang katuturan. Ito talaga yung namiss ko. Sa school ko kasi, pag nagpapatawa yung mga Prof., ang tawa ko sobrang limited lang. Kailangan kong pigilan yung tawa ko kapag sobrang tuwang tuwa na ko. Kailangan ko pang pigilan yung sarili kong paluin yung lamesa o kaya pumalakpak para di maingay. Tapos may mga times na parang di ka pa maka-get-over sa joke, pwede kang tumawa ng tumawa. Ngayon, kailangan tapos na.

5.
Yung mga patio moments. Yung bili ng bili ng kung ano-anong pagkain. Kahit pilit kang nagtitipid, napapambili mo kasi gutom ka na. May mga times pa na nagpapalibre ka. Nung mga lower years pa kayo, iyan, ililibre ka kapag nagpa-"kalog" ka. Nung mga junior-senior year niyo, kuripot na silang lahat.

6.
Yung times na sobrang ingay niya sa jeep. Namimiss ko na 'to kasi wala akong kasabay pauwi. 2 hours akong nakaupo sa bus tapos wala akong kausap. Wala akong kadaldalan. Wala akong katawanan.

7.
Yung classmates ko. Sila talaga yung namiss ko. Kasi sila yung kasama ko sa high school life ko. Kung wala sila, edi wala na yung mga previous na namimiss ko. Sila yung mga kasama ko sa kalokohan, kopyahan, pakapalan ng mukha, hingian ng kung ano-ano. Kahit may mga problema sa klase, sama-sama naming inaayos. Yung mga moments na yon.


Hindi ko alam kung ngayon lang ito kasi isang linggo pa lang akong wala sa piling ng long-time friends ko pero sobrang miss ko na sila. Hanggang ngayon nga nakikita ko pa din yung classroom namin tsaka yung mga nangyayari doon. Hanggang ngayon naririnig ko pa yung tawanan nila, yung asaran. Alam ko na parang OA siya pero, totoo yun. Sobrang nalungkot ako. Yun lang.

June 15, 2011

First Day at PUP

Grabe yung first day ko.

Una, umuulan. Okay naman sa kin yon. I consider it a blessing. Haha. Mga 7:45 ako umalis ng bahay. Tapos sa may Zapote, nakita ko si Larisse, naghihintay ng bus. Ayon, so sabay na kaming sumakay sa bus. Eh medyo punuan pa nung time na iyon. Nung umpisa nakatayo kami. Si Larisse swerte nakaupo. Haha. Nakaupo na ko nung sa Coastal na. Madami nga kasing bumababa ng Coastal.

Ayon, tapos bumaba na si Larisse sa may La Salle. Tapos ako, bumaba na sa may PNU. Doon, naghihintay ako ng bus papuntang PUP. Eh may babaeng baliw doon sa bus stop. Di ko siya pianapansin habang ginagawa niya kung kabaliwan niya. Tapos bigla namang lumapit sa akin tapos kinalmot yung braso ko! Asar! Maswerte siya di ko siya pinatulan. (Baka kalmutin naman yung kabilang braso.) Ayon tapos nakasakay na din ako papuntang PUP.

Pagkatapos ng mahabang lakaran papuntang campus, nakapasok na din ako sa school ko. Una kong hinanap yung gym. Kasi doon yung first class ko. Mukha talaga akong baguhan doon kasi halos paikot-ikot na ko sa campus. Wala pa kong klaseng inaatendan, masakit na yung paa ko. Ayoko kasing magtanong-tanong. Finally, nakakita ako ng dalawang tao, isa lalaki, isa babae. Papunta din silang gym. Di ko sila kilala. Haha. Hindi man lang ako nagpakilala. Ansama ko. Pero nag-thank you naman ako sa kanila.

Maaga kaming dinismiss ng PE teacher namin. Almost lunch time na non. Nakaupo ako sa isang makalat na table (oo, ako lang mag-isa. Awkward talaga ako.) tapos may babaeng lumapit, tinanong niya kung may nakaupo, sabi ko wala, tapos ayong, nag-usap-usap kami.

Nga pala, siya si BLESS. Ka-blockmate ko. Biruin mo iyon. Ayon tapos, daldalan (siya yung mas madaming nasabi. Awkward pa ko eh.)

Tapos nagpunta kami sa susunod na subject. Accounting. Di naman terror yung Prof. Ang saya niya ngang kasama eh. Inarrange niya kami by Surname. Katabi ko si Jennys (boy; right) tsaka si Pipien (? di ako sure sa spelling; boy; left). Oh diba, bongga. Ang unique ng mga pangalan nila. Hoho.

Next subject ay English. Okay din yung Prof. Grabe yung sense of humor niya. Yung mga side comments niya. Basta. Tapos halos nose bleed to death kasi todo Engilsh siya. Tapos yung accent niya parang may pagka-mild na British accent. Astig kamo.

Ayon, maaga niya kaming dinismiss. Mga 6:45. Kung pumasok ako ng school ng mag-isa, umuwi ako, mag-isa pa din. Super tahimik ko sa classroom. Naimagine ko tuloy kung paano kung nasa SJA pa kaya ako ngayon? Edi first day pa lang ang ingay ko na. Sobra-sobra na yung tawa ko. Namiss ko talaga yun. Kasi ngayong college parang kailangan kong magsimula uli. Nakakatakot din.

So, ayon ang first day ko sa college. Di ko din naman ineexpect yung sarili ko na magkaroon ng bagong friends but I'll TRY to make new ones. Masyado kasi siguro akong nasanay sa circle of friends ko kaya medyo sarado na yung puso ko na maghanap pa ng mga bagong kaibigan. Drama. Hoho.

June 10, 2011

Paano nga ba nadedevelop ang feelings ng isang tao?

Kapag:


  • Inaasar lagi siya sa isang tao - ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nadedevelop ang nararamdaman ng isang tao. Kapag inaasar sila o kapag pinapartner sa isang tao.

  • Lagi mong kausap ang isang tao - yung tipong nasasanay kang kausap mo lagi ang taong ‘yon. Yung hindi lilipas ang isang araw na hindi mo siya makakausap.

  • Pareho kayo ng hilig - kumbaga, nagja-jive sila. Pareho ang interes nilang dalawa.

  • Napapatawa ka niya - malaking bagay kasi na napapatawa ka ng isang tao. Yung napapasaya ka niya kasi nakakagaan yun ng pakiramdam.

  • Nagbibiruan / tuksuhan - na madalas nauuwi sa totohanan. Dito nagsisimula ‘yan e. Sa isang“joke” na madalas nagiging seryoso.


-Tumblr

Mascot

Kahapon, umattend ako ng 1st birthday ni Aliyah, pamangkin ko. Sa Jollibee siya nag-celebrate. Edi ako, pumunta. Kasasabi ko nga lang, diba? Anyway, Ayon, nag-start na yung party. Una yung games, kainan, tapos yung part na lalabas si Jollibee, yung mascot. Tapos, picture picture kasama si Jollibee. Nagtaka tuloy ako,

YUNG NASA LOOB KAYA NG MASCOT EH NANGITI DIN PAG PINIPICTURAN?

Nung naimagine ko yon, natuwa ako. Bwahaha. Oo nga naman. Siguro kung ako yun, todo ngiti ako. Yung lahat ng expressions ng mukha na pwedeng gawin gagawin ko na. Wala namang nakakakita sa 'kin eh, bakit ba? Haha.

June 8, 2011

Gusto ko nang pumasok

Gusto ko nang pumasok. Ayoko na sa bahay. Wala nang magawa. Wala nang makausap. Lahat sila nasa school na. Mga high-school friends ko, nagsisimula nang magsipasukan sa college. Ako..


Nagpapakasipag maging tamad...


Pero konting tiis na lang. Papasok na ko! Hoho.

June 7, 2011

Cotton buds

A few days after kong umuwi ng Batangas, naghanap ako ng cotton buds sa bahay. Gusto ko kasing maglinis ng tenga eh. (Duh!) Tapos nagpunta ako sa tindahan para kumuha ng cotton buds. Natuwa ako sa naging conversation namin ni Kuya Asther.

Ako: Kuya walang cotton buds?
Kuya: Wala.
Ako: Kahit yung gamit na?
Kuya: Gusto mo ng gamit na?
Ako: (Na-realize ko yung meaning niya.) Ay hindi! Yung bukas na pala. (Tapos walang hanggang tawa.)

Pero kung nagtataka kayo, nakapag-linis naman ako ng tenga. Nanghingi pa ko sa Tita ko. Dinayo ko pa bahay nila para lang sa cotton buds. Haha.

June 3, 2011

Crazy Little Thing Called Love



Finally, napanood ko na din itong movie na ito. Maganda din yung plot kahit yung story ay medyo cliche na. Yung typical boy-girl love na nagkakahiyaan pang mag-aminan sa nararamdaman nila.

Si Nam, yung lead actress, average girl lang siya. Maging sa looks, di siya maganda. Pero dahil sa pagkakaroon niya ng crush ka Shone, ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. Nagpaganda siya, nag-aral ng mabuti hanggang sa magkaroon ng unfortunate twist of events. (Panoorin niyo na ang. Ayokong maging super spoiler.)

Pero sa huli, after ng mahabang pa-hihintay, the boy got the girl.

Composer

Malapit nang magpasukan...

Pero summer pa din. Kaya boring pa't walang magawa sa bahay. Kaya naman isang araw, pinulot ko ang aking gitara at tumugtog randomly. Nung may nakuha akong beat, biglang umulan. Kaya napa-emote ako at nalagyan ko ng lyrics. Nagandahan ako sa kanta. Grabe, feeling ko pwede na kong maging composer. Anyway, ito ang part ng chorus, i-sh-share ko sa inyo:


You confuse me with the words "I love you"
You make my heart melt with the things that you
With the sound of your voice
And the smile on your lips,
I can't help being caught off guard.


Caught Off Guard nga pala yung title niya. Haha. Ganda talaga. Na-LSS na ko.

June 1, 2011

Why don't we have enough time to study?