June 15, 2011

First Day at PUP

Grabe yung first day ko.

Una, umuulan. Okay naman sa kin yon. I consider it a blessing. Haha. Mga 7:45 ako umalis ng bahay. Tapos sa may Zapote, nakita ko si Larisse, naghihintay ng bus. Ayon, so sabay na kaming sumakay sa bus. Eh medyo punuan pa nung time na iyon. Nung umpisa nakatayo kami. Si Larisse swerte nakaupo. Haha. Nakaupo na ko nung sa Coastal na. Madami nga kasing bumababa ng Coastal.

Ayon, tapos bumaba na si Larisse sa may La Salle. Tapos ako, bumaba na sa may PNU. Doon, naghihintay ako ng bus papuntang PUP. Eh may babaeng baliw doon sa bus stop. Di ko siya pianapansin habang ginagawa niya kung kabaliwan niya. Tapos bigla namang lumapit sa akin tapos kinalmot yung braso ko! Asar! Maswerte siya di ko siya pinatulan. (Baka kalmutin naman yung kabilang braso.) Ayon tapos nakasakay na din ako papuntang PUP.

Pagkatapos ng mahabang lakaran papuntang campus, nakapasok na din ako sa school ko. Una kong hinanap yung gym. Kasi doon yung first class ko. Mukha talaga akong baguhan doon kasi halos paikot-ikot na ko sa campus. Wala pa kong klaseng inaatendan, masakit na yung paa ko. Ayoko kasing magtanong-tanong. Finally, nakakita ako ng dalawang tao, isa lalaki, isa babae. Papunta din silang gym. Di ko sila kilala. Haha. Hindi man lang ako nagpakilala. Ansama ko. Pero nag-thank you naman ako sa kanila.

Maaga kaming dinismiss ng PE teacher namin. Almost lunch time na non. Nakaupo ako sa isang makalat na table (oo, ako lang mag-isa. Awkward talaga ako.) tapos may babaeng lumapit, tinanong niya kung may nakaupo, sabi ko wala, tapos ayong, nag-usap-usap kami.

Nga pala, siya si BLESS. Ka-blockmate ko. Biruin mo iyon. Ayon tapos, daldalan (siya yung mas madaming nasabi. Awkward pa ko eh.)

Tapos nagpunta kami sa susunod na subject. Accounting. Di naman terror yung Prof. Ang saya niya ngang kasama eh. Inarrange niya kami by Surname. Katabi ko si Jennys (boy; right) tsaka si Pipien (? di ako sure sa spelling; boy; left). Oh diba, bongga. Ang unique ng mga pangalan nila. Hoho.

Next subject ay English. Okay din yung Prof. Grabe yung sense of humor niya. Yung mga side comments niya. Basta. Tapos halos nose bleed to death kasi todo Engilsh siya. Tapos yung accent niya parang may pagka-mild na British accent. Astig kamo.

Ayon, maaga niya kaming dinismiss. Mga 6:45. Kung pumasok ako ng school ng mag-isa, umuwi ako, mag-isa pa din. Super tahimik ko sa classroom. Naimagine ko tuloy kung paano kung nasa SJA pa kaya ako ngayon? Edi first day pa lang ang ingay ko na. Sobra-sobra na yung tawa ko. Namiss ko talaga yun. Kasi ngayong college parang kailangan kong magsimula uli. Nakakatakot din.

So, ayon ang first day ko sa college. Di ko din naman ineexpect yung sarili ko na magkaroon ng bagong friends but I'll TRY to make new ones. Masyado kasi siguro akong nasanay sa circle of friends ko kaya medyo sarado na yung puso ko na maghanap pa ng mga bagong kaibigan. Drama. Hoho.

1 comments:

laslockhart♥ said...

aww..miss you too aira-ssi!!!

Post a Comment