June 19, 2011

Things I miss about High School


Ngayong naka-1 week na ko sa college, syempre di ko naman maiiwasan na magcompare. And ito yung ilan sa mga super duper namimiss ko:

1.
Yung pagdating mo pa lang sa school, alam mo na kung saan ka pupunta/ tatambay. Sa college kasi, pag pasok ko pa lang ng campus, dumederetso na ko ng classroom. Wala na kong tinatambayan. Wala nang place na masasabi kong amin lang. Yung doon kami naghihintayan hanggang sa makumpleto kami.

2.
Yung pagpasok mo pa lang sa classroom parang nasa palengke ka na. Namimiss ko yung times na sobra akong mag-ingay pagpasok pa lang. Yung as in buong classroom na-ikot ko na para lang makipag-chismisan. YUng may mga announcements pa. O kaya naman kopyahan ng assignments. O kaya naman kainan/ hingian ng pagkain/ kopyahan ng assignments. Ang tahimik ko kasi sa classroom.

3.
Yung hingian ng pulbo, pagkain, papel o kung ano-mang gamit ng wala nang hiyaan. Ngayong college, feeling ko super kailangan ko nang dalhin lahat ng mga kailangan ko. Parang nakakahiya na kasi yung manghingi ng manghingi.

4.
Yung mga tawanan na halos wala namang katuturan. Ito talaga yung namiss ko. Sa school ko kasi, pag nagpapatawa yung mga Prof., ang tawa ko sobrang limited lang. Kailangan kong pigilan yung tawa ko kapag sobrang tuwang tuwa na ko. Kailangan ko pang pigilan yung sarili kong paluin yung lamesa o kaya pumalakpak para di maingay. Tapos may mga times na parang di ka pa maka-get-over sa joke, pwede kang tumawa ng tumawa. Ngayon, kailangan tapos na.

5.
Yung mga patio moments. Yung bili ng bili ng kung ano-anong pagkain. Kahit pilit kang nagtitipid, napapambili mo kasi gutom ka na. May mga times pa na nagpapalibre ka. Nung mga lower years pa kayo, iyan, ililibre ka kapag nagpa-"kalog" ka. Nung mga junior-senior year niyo, kuripot na silang lahat.

6.
Yung times na sobrang ingay niya sa jeep. Namimiss ko na 'to kasi wala akong kasabay pauwi. 2 hours akong nakaupo sa bus tapos wala akong kausap. Wala akong kadaldalan. Wala akong katawanan.

7.
Yung classmates ko. Sila talaga yung namiss ko. Kasi sila yung kasama ko sa high school life ko. Kung wala sila, edi wala na yung mga previous na namimiss ko. Sila yung mga kasama ko sa kalokohan, kopyahan, pakapalan ng mukha, hingian ng kung ano-ano. Kahit may mga problema sa klase, sama-sama naming inaayos. Yung mga moments na yon.


Hindi ko alam kung ngayon lang ito kasi isang linggo pa lang akong wala sa piling ng long-time friends ko pero sobrang miss ko na sila. Hanggang ngayon nga nakikita ko pa din yung classroom namin tsaka yung mga nangyayari doon. Hanggang ngayon naririnig ko pa yung tawanan nila, yung asaran. Alam ko na parang OA siya pero, totoo yun. Sobrang nalungkot ako. Yun lang.

0 comments:

Post a Comment