I enjoy the role of being a director...
Noong high school ako, pagiging isang direk ang naging titulo ko. Lalo na noong latter part ng high school life ko. Hindi ko pinursue ang hilig ko sa directing. Bagkus, nag-Accounting ako. Pero ang blog na ito ay hindi tungkol sa mga pangarap ko. Ito ay tungkol sa mismong pagdidirek ko ngayong college.
Ngayong college, na-assign akong magdirek ng play namin para sa Humanities. Noong tinuro ako ng mga classmates ko, syempre parang gusto ko tsaka ayaw ko rin. Kahit sino naman magkakaroon ng apprehension. Una kasi, hindi ko sila gamay Hindi ko pa alam kung paano ko iha-handle ang bawat isa sa kanila. Pangalawa, parang ayoko na talagang balikan yung mga directing days ko lalo na kung hindi ko kasama sina Pearl, Pauline at Jane. Pero what the hell, no choice na ko.
Ayon, nung mga unang araw, petiks lang, tapos medyo light pa yung approach ko sa pagdi-direct. I was still feeling my way around them. Tapos ayon, dumaan na ang mga araw at lumalapit na rin yung araw ng performance. Ako, naii-stress na kasi hindi pa kumpleto yung script, hindi pa makausad sa play, maraming ibang requirements... ayon. Mas malala pa noong araw na palapit na yung pasahan ng seatwork sa Acco, halos wala nang nakikinig sa akin. Yung tipong sumigsigaw na ako, wala pa ring nakikinig. They're just hearing what I'm saying but not listening. Well, meron naman pero syempre diba, kung konti lang yun, paano talaga ako pakikinggan. Kinukwestyon ko tuloy yung authority ko sa play na 'to.
Alam ko namang parang kwela yung dating ko sa klase. Halos lahat ng mga kaklase ko, nakakabiruan ko. Pero dahil ba sa sobrang kwela ko, pati yung paraan ng padidirek ko, kwela pa rin? Di ba pwedeng seryosohin muna ako kahit saglit lang?
Di ko tuloy mapigilang mag-compare sa mga classmate ko noong high school at mga classmate ko ngayon kahit na ayoko talagang mag-compare. Siguro kasi noong high school, hindi ko kailangang ulit-ulitin bawat details ng actions na gagawin nila. Kasi isang sabi ko lang, go na agad. Ngayon kasi feeling ko sira na akong plaka kapapaulit-ulit ng instructions, ng pagsaway, ng pagsitsit... nakakapagod lang.
Pero syempre, kahit nakakapagod, tuloy lang ang laban. May perks pa rin naman ang pagiging director. Madalas man akong ma-high blood ngayon, nagkaroon ako ng chance na makapag-interact sa mga classmates ko. Nagawa kong makilala sila ng mas mabuti. Kaya kahit maging isang malaking success, isang malaking epic failure, o keribambini lang ang play na 'to, ayos lang. Kasi may ibang bagay akong nakuha mula sa experience na 'to...
October 15, 2012
September 16, 2012
33rd MIBF
Kay Mari ko lang talaga ikukwento 'to pero sige na, sa inyo na rin. Pero para kay Mari talaga 'to. Haha.
So, 3rd year ko nang pumunta sa Manila International Book Fair...
Okay lang, ganoon pa rin, walang pinagbago. Maraming tao, maraming libro, mahaba pila, nakaka-claustrophobic. Pero kahit ilang taon na kong napunta sa masikip at nakaka-suffocate na BF, hindi ko pa rin ito tinatantanan. Ewan ko ba kung bakit hindi ako madala.
Madami akong gustong bilihin, syempre pero dahil kapos ang budget ko on such short notice, tatlo lang (sadly) ang binili ko.
Paper Towns by John Green
An Abundance of Katherines by John Green
Something About You by Julie James
Binili ko yung unang dalawa kasi-- well Si JOHN GREEN 'yan eh. Gusto ko nga ring bilihin yung Looking for Alaska kaso nga lang nabasa ko na siya kaya napagpasyahan kong ipagpaliban ko muna. Gusto ko ring bilhin yung The Fault In Our Stars kaso lang hard bound pa siya. Mas gusto ko kasi talaga ang paper back kasi mas nadadalian akong magbasa sa paperback. Tsaka kung ano mang verdict sa dalawang librong ito, I'll let you know kapag nabasa ko na. Mehehehe...
Yung Something About You, nabasa ko na siya dati at grabe, gustong gusto ko talaga yung story nito. Feeling ko destiny talaga na makita ko 'to sa Fully Booked kasi yung mga books ni Julie James, hinanap ko dati, wala sa Philippine market. Tapos biglang, VIOLA! May Something About You! Haha. Ayon, kaya binili ko na kahit na nabasa ko na.
Gusto ko ring bumili ng Divergent at Insurgent pero saka na kapag lumabas na yung 3rd book at may set na siya. MWAHAHAHAHA!
Ang tagal kong inikot yung shelves para sa The Princess Bride kaso wala akong makita kaya sa NBS sa Southmall na lang ako bibili. Basta, ang dami ko pang gustong bilihin kaso parang nanghihinayang na ako sa iba. Madami pa akong naka-line up na nabili ko sa Book Sale nitong nakaraan linggo. Look:
Pero sa pito, nabasa ko na yung The Five People You Meet in Heaven tsaka Love, Rosie. Dati pa. Kaya ko binili kasi dapat hindi natin pinapalampas ang mga librong nasa Book Sale dahil kapag binalikan mo pa yan kinabukasan, wala na 'yan diyan.
Ayon, bumalik tayo sa BF. Alam niyo ba kung anong pinaka-ayaw ko sa BF? Kahit saan ako lumingon, panay Fifty Shades of Grey. At walangjo! Ang daming nabili. Sheeeeet! Pure TORTURE! (no pun intended.) Alam niyo naman kung anong pakiramdam ko sa Fifty Shades diba? At eto pa, MERONG FIFTY SHADES OF MR. DARCY. What. The. Hell. Sinisira niyo ang reputasyon ng P&P. Ang reputasyon ni Mr. Darcy, ni Elizabeth. Ugh. I know, I know. Hindi ko pa alam kung anong story ng fifty shades of mr. darcy but come on! Panigurado naghuhuramentado na si Jane Austen sa hukay niya sa mga pinaggagagawa niyo sa masterpiece niya.
Ano pa ba? Ayon, nandon nanaman si Pol Medina (Pugad Baboy) katulad last year. Tapos may foreign authors pero di ko sila kilala. Haha.
Ayon, next year uli. Sana makasama kita, Mari. ;D
September 2, 2012
Fifty Shades of No, No, No!
This week, I started reading the first of the Fifty Shades Trilogy.
And I must say... NO!
Honestly, I just read half of the first book and I decided to put it down. I don't know... maybe because it's just not the book for me. Maybe because it doesn't tug at my heartstrings. Maybe because, blah, blah, blah. It's like Twilight all over again. (I did love the Twilight series but then I grew older and read better books).
They say Fifty Shades is a fanfiction of Twilight. I can see the resemblance there. All the mysterious-rich-handsome guy telling the girl he's dangerous and that she should stay away but then the girl is too curious and too drawn by this guy so she can't resist him and then they have sex... Haha. Okay, Twilight is not really like that...
The first chapters of the first book was fine. But then Christian showed Ana his Red Room of Pain (complete with BDSM stuff) and then I was kind of turned off by then. I knew from the beginning that this book is erotica so I braced myself for what I'm going to read. I mean, I have read snippets of erotic pieces from contemporary romance books so I guess I have something to compare this to. But I can't. I can't even put into words how I felt when reading it. Repulsed? Shocked? Err.
Anastasia (the female protagonist), hmmm? We've got another Mary Sue over here.
It's not that I'm preventing you from reading this. Just... see for yourself. Our tastes in reading is different so maybe you'll like it. As for me, this is a piece of crapshit. I am still trying to figure out why this book became a best seller. Too many curious people looking for erotica novels, I think? But it'll be just a waste of money if you think this is a good book. There are better books out there that is worth your time and money.
August 31, 2012
“It's just that I don't want to be somebody's crush. If somebody likes me, I want them to like the real me, not what they think I am. And I don't want them to carry it around inside. I want them to show me, so I can feel it too.”
― Stephen Chbosky, The Perks of Being a Wallflower
― Stephen Chbosky, The Perks of Being a Wallflower
August 26, 2012
And Friends
Ayan, kung nabasa niyo yung mga dating post ko, mapapansin ninyo ang gloominess ng buhay ko noong nag-college na ako. Kasi nami-miss ko ang high school friends ko. Kaya siguro hindi na rin ako nakakapag-blog kasi wala akong makwento. Kasi kapag nag-post ako dito tungkol sa nangyayari sa buhay ko ngayon, madalas ay sa PUP na ang setting. Pero siguro tapos na ako sa transition ng kalungkutan ko kaya eto, handa na akong ipakilala sa inyo ang mga bago kong kaibigan. (Medyo luma na rin sila kasi isang taon ko na silang nakakasama). Gusto ko rin kasi na kapag nag-blog ako tapos may nakita kayong pangalan nila, kilala niyo kung sino ang tinutukoy ko.
Magsimula tayo sa mga nakatayo. From left to right 'to ah.
Jelly. Ayan ang babaeng nagmana sa kagandahan at katalinuhan ko. Swear, maganda at matalino talaga siya. Barbero. Kapag may sinasabi siya sa akin, kailangan ko pa talagang isipin kung totoo yung sinasabi niya o hindi. Madalas hindi. Haha. Siya yung tipo ng kaibigan na kapag may lalaki sa paligid, sa kanya agad titingin. Kaya sinisikap ko na hindi tumabi sa kanya. Haha. JOKE LANG! Ang bagal niyan kumilos, grabe. Pati sa pagsasalita, bago pa matapos ang kinukwento niya, nadasal ko na ata ang buong Lord's Prayer.
Yashi. Siya yung babaeng carefree. Happy-go-lucky. Kanina lang nag-midterms kami sa computer, hindi man lang siya nag-aral. Wapakels. Hindi ko alam kung pabaya ba siya o talagang genius lang para hindi na kailangang mag-review.. Taklesa. Madaldal. Lagi akong susubuan ng pagkain niya kahit ayokong kumain. Magugulat ka na lang biglang may pagkain sa bibig mo.
Mika. Si Mika? Nako, 'wag na 'yan. Haha. Ayan, si Mika. Masarap siyang kausap. Madami kasing alam 'yan. Matakaw. Nakakailang round ng kanin tapos hindi man lang nataba. Nakakaasar. Lagi akong inaasar. Sa lahat ng bagay. Walang patawad eh. Tapos laging hinihiram yung cellphone ko tapos maglalaro kasama ni Liezel. Ang tiis ng tawa niya, minsan ang sakit sa tenga. haha. Parang panay reklamo yung ginawa ko sa description mo, Mika. Okay lang 'yan. Tanggap mo naman 'yan eh.
Maricaya. Etong babaeng 'to ang sobrang hilig sa violet. Violet na panyo. Violet na bag. Violet na nailpolish. Violet na pamaypay. Violet na blouse. Lahat na ata ng violet sa mundo, binili niya. Mababa ang kaligayahan niya, parang bata. Laging nakangiti. Pero may times na parang iritable siya tapos hindi ko mapigilang hindi tumingin sa noo niya kapag nakakunot. Haha.
Rio. Si Rio Zaira Tenecio, mayaman. Sa sobrang yaman ni Rio, ang breakfast, lunch, at dinner niya ay sa SM pa niya binibili. Haha. Tamad magluto kapag nasa dorm siya. O talagang marami lang talagang pera. Siya yung nakakasama ko sa biyahe kapag nauwi siya sa Cavite. Adik sa Wattpad. Lahat na ata ng storiy doon nabasa niya. Ang gwapo ng kuya niyan. Share lang. Siningit ko lang.
Sa mga nakaupo, left to right uli.
Liezel. Tawag niya sa akin ay "Ina". Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit. Ayoko. Haha. Nasanay na lang ako sa tawag dahil lagi niya akong tinatawag na ganoon. Sa kanya ko pinapauwi ang gamit ko kapag hindi na kering iuwi sa amin. Katulad na lang nung gitara ko. Sa kanya na ata 'yon eh. Bago pa magkandabaha sa M. Manila nasa kanila na 'yon. Kapag may gusto akong itanong tapos hindi kaya ng hiya ko, siya yung magtatanong. Mabait na bata 'yan. Tapos kung anong nararamdaman niya, kita mo talaga sa itsura at kinikilos niya.
Trishia. Pwede ba skip na lang 'to? Si Patrishia, kapag tinatawag ko sa buong pangalan nabibitin ako. Adik sa Tumblr. Ang daming fandom na kinabibilangan. Only child na mataray na kinukuha ng other side. Masaya ang buhay nito. Kapag tumatawa siya, walang katapusan. swear, mas malala pa siya sa tama ko. Akala ko, ako yung pinakamalakas na may tama sa buong mundo. Hindi pala. Tapos lagi akong laughtrip sa daddy niya. May pinagmanahan ng tama. Hihi.
Jonna. Next please! Ay! Wala na pala (sa picture). No choice na. Ito ang kanang kamay ni Jelly sa kabarberohan. Prangkang babae. Kaya kapag ikaw nasaktan pa sa sinasabi niya, hindi mo siya kilala ng buo. Lahat ng pwede niya i-insulto sa'yo sasabihin niya na. Lahat ng taong pwede niyang insultuhin, iinsultuhin niya. Feeling niya maganda siya. Haha. Hindi, joke lang. Maganda ka raw, sabi ng nanay ko. Kapag sa personal, madaldal. Kapag sa cellphone mo kausap, ang tahimik. Ayon...
Harriett. Wala siya sa picture pero si Harriett, tahimik na babae pero kapag kinausap mo na siya, ang daldal na niya. Mahilig siyang magbasa ng novels tapos adik na adik sa Phantom of the Opera. Pinagiipunan niya talaga yung ticket para doon.
Janiene. Wala rin siya sa picture pero kaibigan ko ring matalik si Ja. Kahit hindi ko na siya classmate ngayong second year, kaibigan ko pa rin siya. Tahimik rin na madaldal kapag kinausap mo na. Kapag nagsimula nang masalita si Ja, hindi ka na makakausap.
Yep, ang dami ko nanamang kaibigan. Addition sila sa circle of friends ko. Sila ang mga kasama ko sa college life ko. Sana, kahit alam kong inevitable iyon dahil naranasan ko rin ito sa high school friends ko, ay hindi kami maghihiwalay. Pero sana katulad ng sa HS firends ko na kahit hiwa-hiwalay na kami, hindi pa rin mawawala yung friendship.
Kuya
Alam niyo naman siguro ang mataas na hangarin kong magkaroon ng kuya. Kung hindi niyo alam, ngayon alam niyo na. haha. Basta masyado lang siguro akong na-engganyo at nasilaw sa isang imaginary kuya hindi ko napansin na ang dami ko palang kuya na nadito lang naman sa tabi ko.
Marami akong kuya sa mother's side. Sa sobrang dami nila, hindi ko sila mabilang. Pero matatanda na rin sila kasi halos bunso na si nanay. Kaya ganon... Tsaka hindi ko naman sila masyadong nakikita. Pero kapag nasa Batangas kami, sila madalas ang tropa ko. Apat ang kuya ko sa father's side. Sila yung mga panganay na kuya tapos ako yung panganay na babae sa magpipinsan kaya wala akong ate sa father's side. Sila naman yung madalas kong makita lalo na kapag may gatherings. Syempre sila yung mga kuyang mas malapit sa akin.
Yung dalawang magkapatid, si Kuya Lean at Kuya Ericko, sila yung madalas na pinupuntahan ko kapag may tanong ako sa mga academic-related thingy. Imba kasi mga utak ng mga 'yan eh. Haha. Lagi akong napunta sa kanila lalo na nung high school at magpapaturo ako sa algebra. Sila ang savior ko. Sila ang dahilan kung bakit ang galing ko sa math. haha. Hindi naman ako nagyaabang na magaling ako sa math. keri lang.
Sina Kuya Marc at Kuya Joy naman ang magkapatid. Noong medyo teenage years nila parang hindi sila masyadong magkasundo. Laging nag-aaway. pero ngayong adult na sila parang keri na. Si Kuya Joy ang lagi kong kausap sa mga technical chu-chu. Madalas naming pag-usapan ang tungkol sa earphones at mga bagong cellphone sa market. Pero madlas din panay kalokohan niya ang pinag-uusapan namin. Siya ang kasama ko kapag nasa ospital si lolo. Si Kuya Marc naman, hindi ko siya masyadong ka-close kasi sa magpipinsan, siya yung pinakamatanda kaya parang medyo hindi na kami close. 23 o 24 na ata siya. Wala nga akong maalalang memory na naging ka-close ko siya maliban lang nung grade 5 (o six ba un?) na kumanta yung banda nila sa isang concert na sponsored ng school, yung opening act ng Hale, tapos sinabi ko sa mama niya na nakita ko siya doon. Hindi pala alam ng mama niya. So pinagalitan siya. Ayon, medyo naasar siguro siya sa akin. Close na kami noon.
Ang post na ito ay para talaga sa kanya. Kasi nagkaroon kami ng chance para magkaroon ng "bonding time." Birthday celebration ng kapatid ko. Nag-aaral kasi ako noon, tapos pumasok siya sa kwarto ko kasi natutulog yung anak niya sa kabilang kwarto kaya hindi na siya pumasok. Ayon, tumambay siya sa kwarto ko. Tapos nag-comment siya sa pagiging studious ko. Masama daw na laging aral ng aral (kung alam mo lang, kuya). Ang tingin niya kasi sa aming magpipinsan, lahat kami studious tapos silang dalawa ng kapatd niya yung black sheep ng pamilya. Haha. Ayon tapos kinuwento niya yung college misadventures niya (sa puntong itto, mas naaliw na ako sa pagkukwento niya kesa sa pag-aaral ko). Yung classmate niya nung college na hanggang ngayon college pa din, yung mga dota at cabal moments nila, ganon. Tapos kinuwento niya rin yung pagpupulis niya... Yung benefits ng pagiging isang family guy sa profession niya, basta marami pa.
Noong medyo matagal na kaming nag-uusap, pumasok si Ate Shie, yung asaw niya sa kwarto ko. Ibili niya raw muna si IƱigo ng lugaw kasi ayaw daw kumain. Tapos parang tinatamad pa siya. Typical guy... Haha. Ayon, tapos nagsalita siya na medyo pabiro dahil nandoon yung asawa niya. Natuwa nga ako doon sa sinabi niya:
"Ikaw, kapag maghahanap ka ng boyfriend, huwag kang maghahanap ng hindi ka sasaktan. Kasi impossible iyon. Ang hanapin mo, yung kaya kang tiisin... tsaka yung maraming (sign ng pera)"
Kahit na pabiro nga niyang sinabi, may sense naman yung mga salita niya.
Ayon, pagkaalis niya sa kwarto ko, tinamad na akong mag-aral. Nag-contemplate lang ako sa mga sinabi niya. Tsaka na-realize ko na hindi ko naman talaga kailangang maghangad pa ng sarili kong kuya. Kasi marami naman pala akong ganoon. Hindi ko man sila purong kadugo, half lang, they are my older brothers just the same. At maswerte ako dahil meron akong MGA KUYA.
August 24, 2012
Wattpad
Hindi ako professional na writer. Pero hindi ko lang talaga maiwasang matuwa sa mga naging feedback ng mga naging readers ko sa Limerence.
Noong una, katuwaan lang ang pagsusulat ko dito. Parang inintroduce lang sa akin ng mga classmates ko ang Wattpad tapos in-encourage nila ako na magsulat ng story dito. Hindi pa nga yung story line ng Limerence ang gagawin ko. Yung story na gagawin ko dapat yung pinapagawa pa ni Jelly na may love square ba iyon? Haha. Hindi ko na ie-elaborate yung kwento na iyon.
Ayon, kaya ko lang ginawa yung post na ito ay dahil sa natuwa nga ako. Haha. Noong summer ko pa natapos ang story. Hindi man sila ang lahat na nakapagbasa, may silent readers din, gusto kong magpasalamat sa kanilang lahat. Kasi dahil sa kanila na-boost yung confidence ko na ipagpatuloy ko ang sinuslat ko. Dahil sa kagustuhan nilang ituloy ko ang mga chapters, tinutuloy ko na. May mga ilang ka-bangagan akong sinusulat, naki-ride naman sila. Masaya ako dahil naibahagi ko sa kanila ang kabangagan ko. Haha.
At syempre, hindi ako titigil sa pagsusulat. Hangga't may naiisip ako, ipagpapatuloy ko.
Sa totoo lang, kaya lang rin ako matagal na nag-absent sa Blogger ay dahil sa Wattpad. Haha. Yung "writing expertise" ko ay ibinuhos ko sa fiction at hindi sa kadaldalan ko sa buhay ko.
Shinare ko lang yung Wattpad. Haha. Alam kong sikat na sikat naman ang Wattpad ngayon. Ewan ko lang yung mga nagba-Blogger aware sa Wattpad. Haha. Ano ba? Wala atang sense ang post na 'to. Bahala na si Thor. Medyo mapurol ang blogging skills ko. Matagal na kong hindi nagba-blog. paulit-ulit?! Haha. O siya, hanggang sa susunod na post.
August 22, 2012
I'm Back!
Grabe, ang tagal ko nang hindi nagba-blog. Masyado akong naging busy sa ibang site kaya tuloy na-neglect ko na ang blogger. Pero gusto kong mag-blog uli kaya I'll try to. Simula ngayon. Haha. Grabe. Basta. Hindi ko alam kung kelan ako magku-kwento pero... SOON.
April 19, 2012
Kapag nagkaroon ka ng isang problema parang lahat ng bagay naiisip mo.
Kanina habang iniiyakan ko yung problema ko pumasok sa isip ko yung TNP. na gustong gusto ko silang makausap, gusto ko silang makasama. Kasi sila na nga lang yung mga taong nasasabihan ko ng personal na mga bagay.
Gusto kong sabihin sa kanila yung problema ko ngayon. Kasi pagdating naman sa lahat ng kadramahan ko sila yung una kong lalapitan. Pero pano ko sasabihin? Sa facebook? Ayoko na non. Sa text? Hindi naman lahat sila may load. Gusto ko sa personal. Gusto ko yung kumpleto kami. Gusto ko may yayakap sa akin kapag umiyak ako. Gusto ko habang naiyak ako may nagpapatawa sa akin para kahit papano nababawasan yung lungkot ko. At kung sila naman yung nasa sitwaston ko ngayon gusto ko nandon ako para yakapin nila at nandoon ako para parawanin ko sila
Pero pano ko magagwa lahat ng gusto ko kung hindi kami makapagbigay ng oras sa isa't isa?
Dati buwan buwan kaming nagkikita. May mga bagay lang na nangyari kaya parang natigil iyon.
Hindi ko naman sila masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Hiwa-hiwalay na kami kaya natural lang siguro yung mga ganitibg situation. Siguro kasi masyado lang akong naging dependent sa kanila. Na sigurado ako na kapag may ganitong nangyayari nandyan sila. Pero siguro tapos na yung time na ganon. Madami na din kasing nagbago eh. Pero that doesn't mean na hindi na kami friends.
I love them. Kahit may new circle of friends na ako sila pa din sng gusto kong takbuhsn kapag may problema ako. Sila pa din yung gusto kong kwentuhan ng mga masasayang bagay na nangyayari sa buhay ko. Masyado lang talaga akong nangungulila sa company nila.
Kanina habang iniiyakan ko yung problema ko pumasok sa isip ko yung TNP. na gustong gusto ko silang makausap, gusto ko silang makasama. Kasi sila na nga lang yung mga taong nasasabihan ko ng personal na mga bagay.
Gusto kong sabihin sa kanila yung problema ko ngayon. Kasi pagdating naman sa lahat ng kadramahan ko sila yung una kong lalapitan. Pero pano ko sasabihin? Sa facebook? Ayoko na non. Sa text? Hindi naman lahat sila may load. Gusto ko sa personal. Gusto ko yung kumpleto kami. Gusto ko may yayakap sa akin kapag umiyak ako. Gusto ko habang naiyak ako may nagpapatawa sa akin para kahit papano nababawasan yung lungkot ko. At kung sila naman yung nasa sitwaston ko ngayon gusto ko nandon ako para yakapin nila at nandoon ako para parawanin ko sila
Pero pano ko magagwa lahat ng gusto ko kung hindi kami makapagbigay ng oras sa isa't isa?
Dati buwan buwan kaming nagkikita. May mga bagay lang na nangyari kaya parang natigil iyon.
Hindi ko naman sila masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Hiwa-hiwalay na kami kaya natural lang siguro yung mga ganitibg situation. Siguro kasi masyado lang akong naging dependent sa kanila. Na sigurado ako na kapag may ganitong nangyayari nandyan sila. Pero siguro tapos na yung time na ganon. Madami na din kasing nagbago eh. Pero that doesn't mean na hindi na kami friends.
I love them. Kahit may new circle of friends na ako sila pa din sng gusto kong takbuhsn kapag may problema ako. Sila pa din yung gusto kong kwentuhan ng mga masasayang bagay na nangyayari sa buhay ko. Masyado lang talaga akong nangungulila sa company nila.
March 17, 2012
March 12, 2012
Makasususnod ba kayo sa direksyon?
Gusto ko lang i-share kasi ito talaga yung pinaka-favorite kong quiz sa tanang buhay ko. Haha. Laughtrip lang kasi ito habang binabasa ko. Yung umpisa, seryosong seryoso tapos pagdatring sa dulo.... Haha. Hinihintay ko nga yung mga classmate ko na baka sumigaw eh. Buti na lang wala! Haha.
Kung gusto niyong mabasa ng buo, click here.
January 31, 2012
Sundays at Tiffany's (Film)
I didn't mean to watch this particular film today but I had nothing better to do (yet) so, I decided, "What the hell, it's on anyway. Plus it's just starting so why not watch it?" And I didn't regret my decision...
When we were kids we had that one friend who is always with us... An imaginary friend. The movie mainly revolves around that. Well, watch the trailer here so that you can catch up on the story but I do recommend that you watch it. I don't want to spoil the movie by narrating everything here.
Yeah, so I've decided to read it, too. I'm just going to buy the book. Maybe tomorrow.
And because I'm a sucker for quotable quotes, here are some that I've caught while watching:
The right choice isn’t always the best choice.
Michael: God, I feel like I'm dying
Old Man: You're not dying. It's a broken heart.
Michael: Why does it hurt so much?
Old Man: It just means you're human.
Old Man: You're not dying. It's a broken heart.
Michael: Why does it hurt so much?
Old Man: It just means you're human.
Jane: I thought you had to leave
Michael: Couldn't go
Jane: I don't understand
Michael: When you were a little girl, I..I came to you because you needed me. I came back because I need you. I don't exist without you.
Subscribe to:
Posts (Atom)