August 26, 2012

And Friends



Ayan, kung nabasa niyo yung mga dating post ko, mapapansin ninyo ang gloominess ng buhay ko noong nag-college na ako. Kasi nami-miss ko ang high school friends ko. Kaya siguro hindi na rin ako nakakapag-blog kasi wala akong makwento. Kasi kapag nag-post ako dito tungkol sa nangyayari sa buhay ko ngayon, madalas ay sa PUP na ang setting. Pero siguro tapos na ako sa transition ng kalungkutan ko kaya eto, handa na akong ipakilala sa inyo ang mga bago kong kaibigan. (Medyo luma na rin sila kasi isang taon ko na silang nakakasama). Gusto ko rin kasi na kapag nag-blog ako tapos may nakita kayong pangalan nila, kilala niyo kung sino ang tinutukoy ko.

Magsimula tayo sa mga nakatayo. From left to right 'to ah.

Jelly. Ayan ang babaeng nagmana sa kagandahan at katalinuhan ko. Swear, maganda at matalino talaga siya. Barbero. Kapag may sinasabi siya sa akin, kailangan ko pa talagang isipin kung totoo yung sinasabi niya o hindi. Madalas hindi. Haha. Siya yung tipo ng kaibigan na kapag may lalaki sa paligid, sa kanya agad titingin. Kaya sinisikap ko na hindi tumabi sa kanya. Haha. JOKE LANG! Ang bagal niyan kumilos, grabe. Pati sa pagsasalita, bago pa matapos ang kinukwento niya, nadasal ko na ata ang buong Lord's Prayer.

Yashi. Siya yung babaeng carefree. Happy-go-lucky. Kanina lang nag-midterms kami sa computer, hindi man lang siya nag-aral. Wapakels. Hindi ko alam kung pabaya ba siya o talagang genius lang para hindi na kailangang mag-review.. Taklesa. Madaldal. Lagi akong susubuan ng pagkain niya kahit ayokong kumain. Magugulat ka na lang biglang may pagkain sa bibig mo. 

Mika. Si Mika? Nako, 'wag na 'yan. Haha. Ayan, si Mika. Masarap siyang kausap. Madami kasing alam 'yan. Matakaw. Nakakailang round ng kanin tapos hindi man lang nataba. Nakakaasar. Lagi akong inaasar. Sa lahat ng bagay. Walang patawad eh. Tapos laging hinihiram yung cellphone ko tapos maglalaro kasama ni Liezel. Ang tiis ng tawa niya, minsan ang sakit sa tenga. haha. Parang panay reklamo yung ginawa ko sa description mo, Mika. Okay lang 'yan. Tanggap mo naman 'yan eh.

Maricaya. Etong babaeng 'to ang sobrang hilig sa violet. Violet na panyo. Violet na bag. Violet na nailpolish. Violet na pamaypay. Violet na blouse. Lahat na ata ng violet sa mundo, binili niya. Mababa ang kaligayahan niya, parang bata. Laging nakangiti. Pero may times na parang iritable siya tapos hindi ko mapigilang hindi tumingin sa noo niya kapag nakakunot. Haha.

Rio. Si Rio Zaira Tenecio, mayaman. Sa sobrang yaman ni Rio, ang breakfast, lunch, at dinner niya ay sa SM pa niya binibili. Haha. Tamad magluto kapag nasa dorm siya. O talagang marami lang talagang pera. Siya yung nakakasama ko sa biyahe kapag nauwi siya sa Cavite. Adik sa Wattpad. Lahat na ata ng storiy doon nabasa niya. Ang gwapo ng kuya niyan. Share lang. Siningit ko lang. 

Sa mga nakaupo, left to right uli.

Liezel. Tawag niya sa akin ay "Ina". Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit. Ayoko. Haha. Nasanay na lang ako sa tawag dahil lagi niya akong tinatawag na ganoon. Sa kanya ko pinapauwi ang gamit ko kapag hindi na kering iuwi sa amin. Katulad na lang nung gitara ko. Sa kanya na ata 'yon eh. Bago pa magkandabaha sa M. Manila nasa kanila na 'yon. Kapag may gusto akong itanong tapos hindi kaya ng hiya ko, siya yung magtatanong. Mabait na bata 'yan. Tapos kung anong nararamdaman niya, kita mo talaga sa itsura at kinikilos niya.

Trishia. Pwede ba skip na lang 'to? Si Patrishia, kapag tinatawag ko sa buong pangalan nabibitin ako. Adik sa Tumblr. Ang daming fandom na kinabibilangan. Only child na mataray na kinukuha ng other side. Masaya ang buhay nito. Kapag tumatawa siya, walang katapusan. swear, mas malala pa siya sa tama ko. Akala ko, ako yung pinakamalakas na may tama sa buong mundo. Hindi pala. Tapos lagi akong laughtrip sa daddy niya. May pinagmanahan ng tama. Hihi.

Jonna. Next please! Ay! Wala na pala (sa picture). No choice na. Ito ang kanang kamay ni Jelly sa kabarberohan. Prangkang babae. Kaya kapag ikaw nasaktan pa sa sinasabi niya, hindi mo siya kilala ng buo. Lahat ng pwede niya i-insulto sa'yo sasabihin niya na. Lahat ng taong pwede niyang insultuhin, iinsultuhin niya. Feeling niya maganda siya. Haha. Hindi, joke lang. Maganda ka raw, sabi ng nanay ko. Kapag sa personal, madaldal. Kapag sa cellphone mo kausap, ang tahimik. Ayon...

Harriett. Wala siya sa picture pero si Harriett, tahimik na babae pero kapag kinausap mo na siya, ang daldal na niya. Mahilig siyang magbasa ng novels tapos adik na adik sa Phantom of the Opera. Pinagiipunan niya talaga yung ticket para doon. 

Janiene. Wala rin siya sa picture pero kaibigan ko ring matalik si Ja. Kahit hindi ko na siya classmate ngayong second year, kaibigan ko pa rin siya. Tahimik rin na madaldal kapag kinausap mo na. Kapag nagsimula nang masalita si Ja, hindi ka na makakausap. 

Yep, ang dami ko nanamang kaibigan. Addition sila sa circle of friends ko. Sila ang mga kasama ko sa college life ko. Sana, kahit alam kong inevitable iyon dahil naranasan ko rin ito sa high school friends ko, ay hindi kami maghihiwalay. Pero sana katulad ng sa HS firends ko na kahit hiwa-hiwalay na kami, hindi pa rin mawawala yung friendship. 

0 comments:

Post a Comment