Alam niyo naman siguro ang mataas na hangarin kong magkaroon ng kuya. Kung hindi niyo alam, ngayon alam niyo na. haha. Basta masyado lang siguro akong na-engganyo at nasilaw sa isang imaginary kuya hindi ko napansin na ang dami ko palang kuya na nadito lang naman sa tabi ko.
Marami akong kuya sa mother's side. Sa sobrang dami nila, hindi ko sila mabilang. Pero matatanda na rin sila kasi halos bunso na si nanay. Kaya ganon... Tsaka hindi ko naman sila masyadong nakikita. Pero kapag nasa Batangas kami, sila madalas ang tropa ko. Apat ang kuya ko sa father's side. Sila yung mga panganay na kuya tapos ako yung panganay na babae sa magpipinsan kaya wala akong ate sa father's side. Sila naman yung madalas kong makita lalo na kapag may gatherings. Syempre sila yung mga kuyang mas malapit sa akin.
Yung dalawang magkapatid, si Kuya Lean at Kuya Ericko, sila yung madalas na pinupuntahan ko kapag may tanong ako sa mga academic-related thingy. Imba kasi mga utak ng mga 'yan eh. Haha. Lagi akong napunta sa kanila lalo na nung high school at magpapaturo ako sa algebra. Sila ang savior ko. Sila ang dahilan kung bakit ang galing ko sa math. haha. Hindi naman ako nagyaabang na magaling ako sa math. keri lang.
Sina Kuya Marc at Kuya Joy naman ang magkapatid. Noong medyo teenage years nila parang hindi sila masyadong magkasundo. Laging nag-aaway. pero ngayong adult na sila parang keri na. Si Kuya Joy ang lagi kong kausap sa mga technical chu-chu. Madalas naming pag-usapan ang tungkol sa earphones at mga bagong cellphone sa market. Pero madlas din panay kalokohan niya ang pinag-uusapan namin. Siya ang kasama ko kapag nasa ospital si lolo. Si Kuya Marc naman, hindi ko siya masyadong ka-close kasi sa magpipinsan, siya yung pinakamatanda kaya parang medyo hindi na kami close. 23 o 24 na ata siya. Wala nga akong maalalang memory na naging ka-close ko siya maliban lang nung grade 5 (o six ba un?) na kumanta yung banda nila sa isang concert na sponsored ng school, yung opening act ng Hale, tapos sinabi ko sa mama niya na nakita ko siya doon. Hindi pala alam ng mama niya. So pinagalitan siya. Ayon, medyo naasar siguro siya sa akin. Close na kami noon.
Ang post na ito ay para talaga sa kanya. Kasi nagkaroon kami ng chance para magkaroon ng "bonding time." Birthday celebration ng kapatid ko. Nag-aaral kasi ako noon, tapos pumasok siya sa kwarto ko kasi natutulog yung anak niya sa kabilang kwarto kaya hindi na siya pumasok. Ayon, tumambay siya sa kwarto ko. Tapos nag-comment siya sa pagiging studious ko. Masama daw na laging aral ng aral (kung alam mo lang, kuya). Ang tingin niya kasi sa aming magpipinsan, lahat kami studious tapos silang dalawa ng kapatd niya yung black sheep ng pamilya. Haha. Ayon tapos kinuwento niya yung college misadventures niya (sa puntong itto, mas naaliw na ako sa pagkukwento niya kesa sa pag-aaral ko). Yung classmate niya nung college na hanggang ngayon college pa din, yung mga dota at cabal moments nila, ganon. Tapos kinuwento niya rin yung pagpupulis niya... Yung benefits ng pagiging isang family guy sa profession niya, basta marami pa.
Noong medyo matagal na kaming nag-uusap, pumasok si Ate Shie, yung asaw niya sa kwarto ko. Ibili niya raw muna si IƱigo ng lugaw kasi ayaw daw kumain. Tapos parang tinatamad pa siya. Typical guy... Haha. Ayon, tapos nagsalita siya na medyo pabiro dahil nandoon yung asawa niya. Natuwa nga ako doon sa sinabi niya:
"Ikaw, kapag maghahanap ka ng boyfriend, huwag kang maghahanap ng hindi ka sasaktan. Kasi impossible iyon. Ang hanapin mo, yung kaya kang tiisin... tsaka yung maraming (sign ng pera)"
Kahit na pabiro nga niyang sinabi, may sense naman yung mga salita niya.
Ayon, pagkaalis niya sa kwarto ko, tinamad na akong mag-aral. Nag-contemplate lang ako sa mga sinabi niya. Tsaka na-realize ko na hindi ko naman talaga kailangang maghangad pa ng sarili kong kuya. Kasi marami naman pala akong ganoon. Hindi ko man sila purong kadugo, half lang, they are my older brothers just the same. At maswerte ako dahil meron akong MGA KUYA.
0 comments:
Post a Comment