August 31, 2012

“It's just that I don't want to be somebody's crush. If somebody likes me, I want them to like the real me, not what they think I am. And I don't want them to carry it around inside. I want them to show me, so I can feel it too.”


― Stephen ChboskyThe Perks of Being a Wallflower

August 26, 2012

And Friends



Ayan, kung nabasa niyo yung mga dating post ko, mapapansin ninyo ang gloominess ng buhay ko noong nag-college na ako. Kasi nami-miss ko ang high school friends ko. Kaya siguro hindi na rin ako nakakapag-blog kasi wala akong makwento. Kasi kapag nag-post ako dito tungkol sa nangyayari sa buhay ko ngayon, madalas ay sa PUP na ang setting. Pero siguro tapos na ako sa transition ng kalungkutan ko kaya eto, handa na akong ipakilala sa inyo ang mga bago kong kaibigan. (Medyo luma na rin sila kasi isang taon ko na silang nakakasama). Gusto ko rin kasi na kapag nag-blog ako tapos may nakita kayong pangalan nila, kilala niyo kung sino ang tinutukoy ko.

Magsimula tayo sa mga nakatayo. From left to right 'to ah.

Jelly. Ayan ang babaeng nagmana sa kagandahan at katalinuhan ko. Swear, maganda at matalino talaga siya. Barbero. Kapag may sinasabi siya sa akin, kailangan ko pa talagang isipin kung totoo yung sinasabi niya o hindi. Madalas hindi. Haha. Siya yung tipo ng kaibigan na kapag may lalaki sa paligid, sa kanya agad titingin. Kaya sinisikap ko na hindi tumabi sa kanya. Haha. JOKE LANG! Ang bagal niyan kumilos, grabe. Pati sa pagsasalita, bago pa matapos ang kinukwento niya, nadasal ko na ata ang buong Lord's Prayer.

Yashi. Siya yung babaeng carefree. Happy-go-lucky. Kanina lang nag-midterms kami sa computer, hindi man lang siya nag-aral. Wapakels. Hindi ko alam kung pabaya ba siya o talagang genius lang para hindi na kailangang mag-review.. Taklesa. Madaldal. Lagi akong susubuan ng pagkain niya kahit ayokong kumain. Magugulat ka na lang biglang may pagkain sa bibig mo. 

Mika. Si Mika? Nako, 'wag na 'yan. Haha. Ayan, si Mika. Masarap siyang kausap. Madami kasing alam 'yan. Matakaw. Nakakailang round ng kanin tapos hindi man lang nataba. Nakakaasar. Lagi akong inaasar. Sa lahat ng bagay. Walang patawad eh. Tapos laging hinihiram yung cellphone ko tapos maglalaro kasama ni Liezel. Ang tiis ng tawa niya, minsan ang sakit sa tenga. haha. Parang panay reklamo yung ginawa ko sa description mo, Mika. Okay lang 'yan. Tanggap mo naman 'yan eh.

Maricaya. Etong babaeng 'to ang sobrang hilig sa violet. Violet na panyo. Violet na bag. Violet na nailpolish. Violet na pamaypay. Violet na blouse. Lahat na ata ng violet sa mundo, binili niya. Mababa ang kaligayahan niya, parang bata. Laging nakangiti. Pero may times na parang iritable siya tapos hindi ko mapigilang hindi tumingin sa noo niya kapag nakakunot. Haha.

Rio. Si Rio Zaira Tenecio, mayaman. Sa sobrang yaman ni Rio, ang breakfast, lunch, at dinner niya ay sa SM pa niya binibili. Haha. Tamad magluto kapag nasa dorm siya. O talagang marami lang talagang pera. Siya yung nakakasama ko sa biyahe kapag nauwi siya sa Cavite. Adik sa Wattpad. Lahat na ata ng storiy doon nabasa niya. Ang gwapo ng kuya niyan. Share lang. Siningit ko lang. 

Sa mga nakaupo, left to right uli.

Liezel. Tawag niya sa akin ay "Ina". Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit. Ayoko. Haha. Nasanay na lang ako sa tawag dahil lagi niya akong tinatawag na ganoon. Sa kanya ko pinapauwi ang gamit ko kapag hindi na kering iuwi sa amin. Katulad na lang nung gitara ko. Sa kanya na ata 'yon eh. Bago pa magkandabaha sa M. Manila nasa kanila na 'yon. Kapag may gusto akong itanong tapos hindi kaya ng hiya ko, siya yung magtatanong. Mabait na bata 'yan. Tapos kung anong nararamdaman niya, kita mo talaga sa itsura at kinikilos niya.

Trishia. Pwede ba skip na lang 'to? Si Patrishia, kapag tinatawag ko sa buong pangalan nabibitin ako. Adik sa Tumblr. Ang daming fandom na kinabibilangan. Only child na mataray na kinukuha ng other side. Masaya ang buhay nito. Kapag tumatawa siya, walang katapusan. swear, mas malala pa siya sa tama ko. Akala ko, ako yung pinakamalakas na may tama sa buong mundo. Hindi pala. Tapos lagi akong laughtrip sa daddy niya. May pinagmanahan ng tama. Hihi.

Jonna. Next please! Ay! Wala na pala (sa picture). No choice na. Ito ang kanang kamay ni Jelly sa kabarberohan. Prangkang babae. Kaya kapag ikaw nasaktan pa sa sinasabi niya, hindi mo siya kilala ng buo. Lahat ng pwede niya i-insulto sa'yo sasabihin niya na. Lahat ng taong pwede niyang insultuhin, iinsultuhin niya. Feeling niya maganda siya. Haha. Hindi, joke lang. Maganda ka raw, sabi ng nanay ko. Kapag sa personal, madaldal. Kapag sa cellphone mo kausap, ang tahimik. Ayon...

Harriett. Wala siya sa picture pero si Harriett, tahimik na babae pero kapag kinausap mo na siya, ang daldal na niya. Mahilig siyang magbasa ng novels tapos adik na adik sa Phantom of the Opera. Pinagiipunan niya talaga yung ticket para doon. 

Janiene. Wala rin siya sa picture pero kaibigan ko ring matalik si Ja. Kahit hindi ko na siya classmate ngayong second year, kaibigan ko pa rin siya. Tahimik rin na madaldal kapag kinausap mo na. Kapag nagsimula nang masalita si Ja, hindi ka na makakausap. 

Yep, ang dami ko nanamang kaibigan. Addition sila sa circle of friends ko. Sila ang mga kasama ko sa college life ko. Sana, kahit alam kong inevitable iyon dahil naranasan ko rin ito sa high school friends ko, ay hindi kami maghihiwalay. Pero sana katulad ng sa HS firends ko na kahit hiwa-hiwalay na kami, hindi pa rin mawawala yung friendship. 

Kuya


Alam niyo naman siguro ang mataas na hangarin kong magkaroon ng kuya. Kung hindi niyo alam, ngayon alam niyo na. haha. Basta masyado lang siguro akong na-engganyo at nasilaw sa isang imaginary kuya hindi ko napansin na ang dami ko palang kuya na nadito lang naman sa tabi ko.

Marami akong kuya sa mother's side. Sa sobrang dami nila, hindi ko sila mabilang. Pero matatanda na rin sila kasi halos bunso na si nanay. Kaya ganon...  Tsaka hindi ko naman sila masyadong nakikita. Pero kapag nasa Batangas kami, sila madalas ang tropa ko. Apat ang kuya ko sa father's side. Sila yung mga panganay na kuya tapos ako yung panganay na babae sa magpipinsan kaya wala akong ate sa father's side. Sila naman yung madalas kong makita lalo na kapag may gatherings. Syempre sila yung mga kuyang mas malapit sa akin. 

Yung dalawang magkapatid, si Kuya Lean at Kuya Ericko, sila yung madalas na pinupuntahan ko kapag may tanong ako sa mga academic-related thingy. Imba kasi mga utak ng mga 'yan eh. Haha. Lagi akong napunta sa kanila lalo na nung high school at magpapaturo ako sa algebra. Sila ang savior ko. Sila ang dahilan kung bakit ang galing ko sa math. haha. Hindi naman ako nagyaabang na magaling ako sa math. keri lang.

Sina Kuya Marc at Kuya Joy naman ang magkapatid. Noong medyo teenage years nila parang hindi sila masyadong magkasundo. Laging nag-aaway. pero ngayong adult na sila parang keri na. Si Kuya Joy ang lagi kong kausap sa mga technical chu-chu. Madalas naming pag-usapan ang tungkol sa earphones at mga bagong cellphone sa market. Pero madlas din panay kalokohan niya ang pinag-uusapan namin. Siya ang kasama ko kapag nasa ospital si lolo. Si Kuya Marc naman, hindi ko siya masyadong ka-close kasi sa magpipinsan, siya yung pinakamatanda kaya parang medyo hindi na kami close. 23 o 24 na ata siya. Wala nga akong maalalang memory na naging ka-close ko siya maliban lang nung grade 5 (o six ba un?) na kumanta yung banda nila sa isang concert na sponsored ng school, yung opening act ng Hale, tapos sinabi ko sa mama niya na nakita ko siya doon. Hindi pala alam ng mama niya. So pinagalitan siya. Ayon, medyo naasar siguro siya sa akin. Close na kami noon.

Ang post na ito ay para talaga sa kanya. Kasi nagkaroon kami ng chance para magkaroon ng "bonding time." Birthday celebration ng kapatid ko. Nag-aaral kasi ako noon, tapos pumasok siya sa kwarto ko kasi natutulog yung anak niya sa kabilang kwarto kaya hindi na siya pumasok. Ayon, tumambay siya sa kwarto ko. Tapos nag-comment siya sa pagiging studious ko. Masama daw na laging aral ng aral (kung alam mo lang, kuya). Ang tingin niya kasi sa aming magpipinsan, lahat kami studious tapos silang dalawa ng kapatd niya yung black sheep ng pamilya. Haha. Ayon tapos kinuwento niya yung college misadventures niya (sa puntong itto, mas naaliw na ako sa pagkukwento niya kesa sa pag-aaral ko). Yung classmate niya nung college na hanggang ngayon college pa din, yung mga dota at cabal moments nila, ganon. Tapos kinuwento niya rin yung pagpupulis niya... Yung benefits ng pagiging isang family guy sa profession niya, basta marami pa.

Noong medyo matagal na kaming nag-uusap, pumasok si Ate Shie, yung asaw niya sa kwarto ko. Ibili niya raw muna si IƱigo ng lugaw kasi ayaw daw kumain. Tapos parang tinatamad pa siya. Typical guy... Haha. Ayon, tapos nagsalita siya na medyo pabiro dahil nandoon yung asawa niya. Natuwa nga ako doon sa sinabi niya:

"Ikaw, kapag maghahanap ka ng boyfriend, huwag kang maghahanap ng hindi ka sasaktan. Kasi impossible iyon. Ang hanapin mo, yung kaya kang tiisin... tsaka yung maraming (sign ng pera)"

Kahit na pabiro nga niyang sinabi, may sense naman yung mga salita niya.

Ayon, pagkaalis niya sa kwarto ko, tinamad na akong mag-aral. Nag-contemplate lang ako sa mga sinabi niya. Tsaka na-realize ko na hindi ko naman talaga kailangang maghangad pa ng sarili kong kuya. Kasi marami naman pala akong ganoon. Hindi ko man sila purong kadugo, half lang, they are my older brothers just the same. At maswerte ako dahil meron akong MGA KUYA. 

August 24, 2012

Wattpad


Hindi ako professional na writer. Pero hindi ko lang talaga maiwasang matuwa sa mga naging feedback ng mga naging readers ko sa Limerence. 

Noong una, katuwaan lang ang pagsusulat ko dito. Parang inintroduce lang sa akin ng mga classmates ko ang Wattpad tapos in-encourage nila ako na magsulat ng story dito. Hindi pa nga yung story line ng Limerence ang gagawin ko. Yung story na gagawin ko dapat yung pinapagawa pa ni Jelly na may love square ba iyon? Haha. Hindi ko na ie-elaborate yung kwento na iyon. 

Ayon, kaya ko lang ginawa yung post na ito ay dahil sa natuwa nga ako. Haha. Noong summer ko pa natapos ang story. Hindi man sila ang lahat na nakapagbasa, may silent readers din, gusto kong magpasalamat sa kanilang lahat. Kasi dahil sa kanila na-boost yung confidence ko na ipagpatuloy ko ang sinuslat ko. Dahil sa kagustuhan nilang ituloy ko ang mga chapters, tinutuloy ko na. May mga ilang ka-bangagan akong sinusulat, naki-ride naman sila. Masaya ako dahil naibahagi ko sa kanila ang kabangagan ko. Haha.

At syempre, hindi ako titigil sa pagsusulat. Hangga't may naiisip ako, ipagpapatuloy ko.

Sa totoo lang, kaya lang rin ako matagal na nag-absent sa Blogger ay dahil sa Wattpad. Haha. Yung "writing expertise" ko ay ibinuhos ko sa fiction at hindi sa kadaldalan ko sa buhay ko. 

Shinare ko lang yung Wattpad. Haha. Alam kong sikat na sikat naman ang Wattpad ngayon. Ewan ko lang yung mga nagba-Blogger aware sa Wattpad. Haha. Ano ba? Wala atang sense ang post na 'to. Bahala na si Thor. Medyo mapurol ang blogging skills ko. Matagal na kong hindi nagba-blog. paulit-ulit?! Haha. O siya, hanggang sa susunod na post. 

August 22, 2012

I'm Back!

Grabe, ang tagal ko nang hindi nagba-blog. Masyado akong naging busy sa ibang site kaya tuloy na-neglect ko na ang blogger. Pero gusto kong mag-blog uli kaya I'll try to. Simula ngayon. Haha. Grabe. Basta. Hindi ko alam kung kelan ako magku-kwento pero... SOON.