June 23, 2011

What I Want to Say

Lately madami akong nagiging ideas na pwede kong i-blog. At gusto kong i-blog. Pero nakakalimutan ko yung mga iyon. Haha. Yung mga idea na 'to nakukuha ko siya kapag nasa bus, tapos walang magawa. Ikaw ba naman sumakay ng bus ng 2 oras, may magawa ka pa kayang iba?

Pero ito talaga. Alam mo ba yung feeling na parang may gusto kang sabihin pero di mo masabi kasi di mo ma-express? Yun yung feeling ko ngayon. Sobrang hirap akong mag-express ng sarili ko.

Sa classroom, 'pag nag-sa-sound trip ako gusto kong kumanta ng malakas pero di ko magawa. Nahihiya kasi ako. Or nangangapa pa ko.

Pag gusto kong tumawa ng malakas, with matching palo ng lamesa at palakpak, pinipigil ko pa.

Pag gusto kong tumayo para mag-gala sa classroom, di ko magawa. Eh pa'no ba naman, saan ako gagala at sinong tatabihan ko para maki-chismisan? Wala pa naman akong gaanong friends.

Ang problema ko lang talaga ngayon sa pakikipag-kaibigan eh yung wala akong makilala na may kaparehong interest sa akin. Kasi kung meron man e di sobrang dinaldal ko na siya. Yung tipong wala nang kwenta yung pinag-uusapan namin, nagkkwentuhan pa din kami.

I know that lately I've been blogging of how much I've missed the company of my friends. And lately I realized that I will ALWAYS miss them. Whatever happens they're still my friends and we've been through a lot which makes our friendship stronger.

Nung huling pagkikita nga namin ng TNP, may sinabi ako kay Pearl. Nasa tricycle kami noon, pauwi na galing cerealicious. Hindi man siya exact, pero nandoon yung thought:

"Alam mo ba, Pearl, narealize ko na dadating yung time na magkakaiba na yung mga iniisip natin,
yung mga pinag-uusapan natin hindi na magiging magkapareho kasi magkakaiba na
yung environment natin. Nung nasa SJA tayo, syempre kilala natin yung mga pinag-uusapan natin,
yung mga taong pinag-chi-chismisan natin. Ngayon pag nagkkwentuhan tayo halos di na natin
kilala yung mga taong kinukwento ng isang tao. Pag nanghihingi ng advice tungkol sa
guys eh hindi naman natin kilala, anong masasabi mo sa kaibigan mo kapag na-brokenhearted
siya? Na okay lang yun? Na maayos niyo din yun? Diba mahirap gawin yun kasi di mo n
aman siya kilala. Yun yung pinaka-kinakatakutan kong mangyari."


Yun yung pinaka-kinakatakutan kong mangyari. Yung darating yung time na wala na kaming isshare na common things. Yung daratin yung time na iba na yung interests namin. Yung daratin yung time na hanggang "HI" na lang yung sasabihin namin sa isa't isa. Yung pag nag-uusap kayo may mga awkward moments na.

Alam ko na iniisip niyo, "Ano ba naman yan, Aira ang drama mo naman." Pero ito talaga yung mga thoughts na laging naglalaro sa isip ko. Actually ngayon ko lang to na-experience. Itong fear na ito. Yung fear na mawawalan ka ng taong na-share mo yung mga pinaka-magandang moments ng buhay mo.

Madami pa sana kong idadagdag kaso baka mapagod na kayo sa drama ko. Hoho.

1 comments:

ѕentisymphony ツ said...

shocks nalungkot din ako dito..
ano ba.. x(
hehehe.

Post a Comment